Phivolcs, nagbabala sa patuloy na pagbuga ng gas ng Taal
- Published on June 7, 2023
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko hinggil sa patuloy na ‘degassing activity’ o pagbuga ng gas mula sa Bulkang Taal.
Sa Taal Volcano advisory ng Phivolcs nitong Linggo, nagkaroon nang pagbuga ng gas mula sa Taal, na sinabayan ng pagluwa sa lawa ng Main Crater na lumikha ng makapal na usok na umabot hanggang 3,000 metro mula sa Taal Volcano Island (TVI). Ito anila ay lumikha ng volcanic smog o vog sa kapaligiran ng bulkan.
“Naiulat ang vog kaninang umaga (Linggo) ng mga mamamayan ng Munisipyo ng Balete, Laurel at Agoncillo, Batangas. Nagbuga ang Taal Main Crater ng 5,831 tonelada kada araw na volcanic sulfur dioxide o SO2 gas noong 1 Hunyo 2023, mas mataas sa average na 3,556 tonelada kada araw nitong nakalipas na buwan,” dagdag pa ng Phivolcs.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng Phivolcs ang publiko na ang vog ay binubuo ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at maaaring magdulot ng pangangati ng mata, lalamunan at respiratory tract na may kalubhaan depende sa mga konsentrasyon ng gas at tagal ng pagkakalantad.
Ang mga komunidad na maaaring maapektuhan ng vog ay pinapayuhang limitahan ang mga aktibidad sa labas at sa halip ay manatili na lamang sa bahay.
Mas makabubuti anila kung puprotektahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng N95 facemask.
Payo pa ng Phivolcs, uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang anumang pangangati o paninikip ng lalamunan.
Dagdag pa nito, kung magkaroon ng paglala o matinding pagbabago sa mga monitoring parameters, maaaring itaas muli ang antas ng alerto sa Alert Level 2.
Babala pa ng Phivolcs, sa kasalukuyang Alert Level 1, maaaring maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas sa kapaligiran ng TVI. (Ara Romero)
-
Mahigit P154M educational aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga 53,000 students in crisis
MAHIGIT 53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng one-time cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Agosto 20. Batay sa datos ng DSWD, ang ahensya sa ngayon ay naglabas ng P154 milyon na cash assistance para sa mga mag-aaral na nangangailangan […]
-
Pilot episode ng ‘Family Feud’, nakakuha ng mataas na rating… DINGDONG, naipasyal na rin nila ni MARIAN ang mga anak na sina ZIA at SIXTO
CONGRATULATIONS to Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil ang world premiere ng bago niyang show, which he is hosting, ang “Family Feud Philippines” ay nakakuha ng mataas na rating kaysa dalawang kasabayan niyang programa sa ibang network, last Monday, March 21. Hinintay naman ng mga viewers ang pilot telecast ng show na minsan nang nai-host […]
-
Subpoena kay Bantag, naisilbi na ng DOJ
IKINOKONSIDERA ng Department of Justice (DOJ) na naihain na kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang subpoena ukol sa kasong murder na inihain sa kaniya kaugnay ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid (Percival Mabasa) at Cristito Villamor Palana. “The subpoena was served to the last known address of […]