• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phoenix Suns nalusaw kay Jimmy Butler, Heat

SINANDALAN ng Miami Heat si veteran scorer Jimmy Butler upang pasukuin ang Phoenix Suns, 104-96, sa 2022-2023 National Basketball Association (NB) regular season game kahapon.

 

Tumikada si Butler ng 20 puntos, anim na assists at limang rebounds upang tulungan ang Heat na ilista ang 21-19 karta at hawakan ang No. 8 spot sa Eastern Conference.

 

Nakatuwang ni Butler si Victor Oladipo matapos umiskor ng season-high 26 points off the bench, bumakas naman si Bam Adebayo ng 21 markers at 11 boards.

 

“There are some good things happening,” saad ni Fil-Am Heat head coach Erik Spolestra. “And that’s with a lot of moving parts, guys in and out of the lineup. More than anything, I respect that our guys are not making excuses for the moving parts.”

 

Dominado ng Heat ang buong laban, hawak nila ang bentahe sa simula pa lang ng bakbakan, malaking tulong sa kanila sina Butler at Oladipo.

 

“He’s been getting more comfortable, more confident and getting his legs under him,” patungkol ni Spolestra kay Oladipo. “He’s a big-time X-factor for us on both sides of the floor.”

 

Maagang ipinaramdam ng heat ang init ng kanilang opensa nang hawakan ang pitong puntos na bentahe, 30-23, sa pagtatapos ng first quarter.

 

Sa second half ay sinabayan na lamang ng Miami ang bilis ng Phoenix kaya nanatili ang kanilang bentahe sa fourth period. (CARD)

Other News
  • DepEd, magpapatupad ng enhanced enrollment para sa 2021-2022 school year

    Opisyal ng naglabas ang Department of Education (DepEd) ng enrollment guidelines para sa nalalapit na pagsisimula ng school year 2021-2022 sa gitna pa rin ng nararanasang COVID-19 pandemic sa bansa.     Sa bisa ng DepEd Order No. 32 series of 2021 na pirmado ni Education Sec. Leonor Briones nakapaloob ang bagong guidelines na layuning […]

  • Diskriminasyon laban sa mga estudyanteng Moro, kinondena

    KINONDENA ng mga Muslim na mambabatas ang hinihinalang profiling ng Philippine National Police (PNP) sa mga mag-aaral na Muslim at inilarawan ito bilang lantad na uri ng diskriminasyon.   Isang talaan ang pupunan ng mga ito ukol sa detalye ng bawat estudyante tulad ng grade level, gender at total na bilang ng Muslim students sa […]

  • Bishop bida sa pagtakas sa Gin Kings Bolts inangkin ang game 3

    NIRESBAKAN ng Meralco ang nagdedepensang Ba­rangay Ginebra para aga­win ang 83-74 panalo sa Game Three ng PBA Go­ver­nors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.     Rumatsada si import Tony Bishop sa kanyang ti­napos na 30 points at 17 rebounds para ibigay sa Bolts ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng […]