Pilipinas hindi pa nakakabili ng bakuna laban sa COVID-19 – PRRD
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa nakakabili ang bansa ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang naging kasaguntan ng pangulo sa mga tanong ng ilang opisyal na kung saan napunta ang inutang ng gobyerno pambili ng nasabing bakuna.
Sa kaniyang public address nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ng pangulo na ang mga bakuna na dumating noong nakaraang mga linggo ay donasyon mula sa China at COVAX facility na pinangangasiwaan ng World Health Organization (WHO).
Iginigiit pa rin ng pangulo na ang mga perang inutang ng gobyerno ay nasa banko pa rin at hindi pa rin ito ipinapasakamay kanino man.
Magugunitang aabot sa halos 1 milyon na Sinovac mula sa China ang natanggap ng bansa at mayroong 525,000 doses ng AstraZeneca mula sa Covax facility. (Daris Jose)
-
Ads February 29, 2020
-
Siya pa rin ang nag-iisang brand ambassador ng ‘Beautederm Home’… MARIAN, ayaw pag-usapan ang ‘dream house’ nila ni DINGDONG dahil isi-share din ‘pag tapos na
SI Marian Rivera-Dantes pa rin ang nag-iisa at official brand ambassador ng Beautéderm Home sa muling pagre-renew ng Kapuso Primetime Queen ng kanyang partnership sa Beautederm for another 30 months. Nagkaroon nga ng grand celebration of love and friendship sina Marian at Rhea Anicoche-Tan, ang President and CEO, na kung saan nag-marka na […]
-
Nacionalista suportado na ang kandidatura nina BBM-Sara Duterte sa Mayo
PORMAL nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise. “For the May 2022 elections, the Nacionalist Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr for President and Inday […]