• March 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, makikinabang sa bakunang dine-develop ng United Kingdom na posibleng malikha sa katapusan ng taon

TINIYAK ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine- develop na bakuna sa COVID 19 para sa Pilipinas.

 

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniyay magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.

 

Ayon kay Ambassador Lagdameo, may binitiwan ng pangako ang UK na magkakaruon sila ng allotment ng bakuna para sa mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

 

Tinatayang 48 million pounds ang pakakawalan nilang finances para sa mga lower income countries gaya natin.

 

Sinabi pa nito na makatatlong beses na aniya nilang nakapulong ng ASEAN London Committee si Minister of State Nigel Adams ng Foreign Commonwealth and Development Office na may kinalaman sa dinedevelop nilang bakuna.

 

Ayon aniya kay Minister Adams, malaki ang posibilidad na sa katapusan ng taon o sa unang quarter ng 2021 ay may bakuna na “made in UK”. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Mayweather, papayag lamang na makaharap si McGregor kapag bayaran ng $300-M

    NAGLATAG si US boxing champion Floyd Mayweather ng kaniyang nais na premyo sakaling humirit ng rematch si UFC star Conor McGregor.   Sinabi nito na kapag ipilit ng Irish fighter ang muling paglaban nila ay dapat ay bayaran siya ng $300 million.   Maging si Khabib Nurmagomedov ay kaniyang hinamon kung saan papayag lamang ito […]

  • TOM HOLLAND TALKS ABOUT HIS STUNTS IN “UNCHARTED”

    GO behind-the-stunts of Columbia Pictures’ Uncharted on the hardest action sequence Tom Holland’s ever made. Watch the Stunts Vignette below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.     YouTube: https://youtu.be/3AQWVJDhAqg     About Uncharted     Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover […]

  • Presidential Medal of Merit, P3-M at house and lot ibinigay ni PDU30 kay Hidilyn Diaz

    Nasa P3 million at fully furnished na house and lot sa Zamboanga City ang ibinigay na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.     Sa courtesy call ni Diaz kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng video-conference, sinabi ng Punong Ehekutibo na maliban pa ito sa P10 milyong makukuha ng Pinay […]