• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, may sapat na kakayahan para gamutin ang mga posibleng tamaan ng UK variant ng Covid -19

TINIYAK ng Malakanyang na may sapat na kakayahan ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit o mahahawaan ng UK variant ng Covid -19.

 

Ito ang dahilan ani Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binawi na ng gobyerno ang travel ban sa ilang mga bansa na una nang nakitaan ng bagong variant ng virus.

 

Aniya, sapat din aniya ang mga protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng mga lokal na pamahalaan kung saan makaraan ang limang araw na quarantine ng mga pumapasok o umuuwi ng Pilipinas ay saka sila magpapa-test at isasailalim sa 14 na araw na mandatory quarantine.

 

Aniya pa, nagpatupad lamang ng travel restriction sa ilang mga bansa na mayroong new variant, dahil kinakailangan munang masiguro na mayroong kumpletong kakayahan at kaalaman ang Pilipinas para gamutin ang mga magkakasakit.

 

Samantala, binigyang diin ng Malakanyang na hindi lahat ng mga dayuhan ay puwedeng makapasok ng bansa kasunod ng ginawang pagbawi ng gobyerno sa ipinatupad nitong travel ban sa mahigit tatlumpong  (30) bansa na nakitaan ng UK variant ng Covid-19.

 

Kabilang lamang sa mga dayuhang pinapayagan na makapasok ng Pilipinas ay iyong mga mayroong hawak na treaty trader’s visa at investor’s visa.

 

Ani Sec. Roque, base sa datos ng gobyerno, kakaunti lamang ang bilang ng mga foreigners o dayuhan na may hawak ng ganitong uri ng mga visa.

 

Giit ng Kalihim, hindi pa rin pinahihintulutan ng gobyerno na pumasok ng Pilipinas ang mga turistang dayuhan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 8, 2022

  • Sen. Kiko Pangilinan tatakbo bilang VP ni Leni Robredo sa 2022

    Opisyal nang kakandidato sa pagkabise presidente para sa susunod na taon si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sa pagkakataong ito sa ilalim ng slate ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo naman sa pagkapangulo.     Sinamahan si Pangilinan ni Robredo sa kanyang paghahain ng certificate of candidacy sa pagkabise sa Comelec, Biyernes, ang pinakahuling araw […]

  • TRB: RFID 3-strike policy tuloy na sa May 15

    Sisimulan nang ipatupad ng Toll Regulatory Board ang 3-strike policy kung saan pagmumultahin ang mga motorista na gumamit ng tollways’ cashless lanes kahit na kulang ang load.     Ayon sa mahigpit na regulasyon ng TRB, ang mga lalabag sa policy ay bibigyan ng warning sa una at ikalawang offenses. Sa ikaltlong offense naman ay […]