• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas, mayroon nang mahigit 68.6 milyong registered voters sa 2025 NLE at BARMM parliamentary polls

UMAABOT na umano sa mahigit 68.6 milyon na ang rehistradong botante sa bansa para sa 2025 National and Local Elections (NLE), gayundin sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.

 

 

Batay sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, hanggang nitong Oktubre 31, 2024, mayroon nang kabuuang 68,618,667 rehistradong botante ang Pilipinas.

 

 

Sa naturang bilang, 33,690,884 ang mga lalaking botante habang 34,927,783 naman ang mga babaeng botante.

 

Ayon sa Comelec, ang registered voters sa Region 4A (Calabarzon) ay nasa 9,764,170; Region 3 (Central Luzon), 7,712,535 voters; National Capital Region, 7,562,858; Region 7 (Central Visayas), 4,407,337; at Region 5 (Bicol Region), 4,066,662.

 

 

Sumunod naman ang Region 1 (Ilocos Region), 3,651,539; Region 11 (Davao Region), 3,386,929; Region 8 (Eastern Visayas), 3,264,935; Region 10 (Northern Min­danao), 3,197,586; Region 6 (Western Visayas), 3,145,219; Negros Island Region (NIR), 3,069,836; Region 9 (Zamboanga Peninsula), 2,881,715; Region 12 (SOCCSKSARGEN), 2,709,058; BARMM with SGA , 2,368,404; Region 2 (Cagayan Valley), 2,364,249; Region 4B (Calabarzon), 2,064,160; Region 13 (CARAGA), 1,889,616; at Cordillera Administrative Region (CAR), 1,111,859.

 

Samantala, iniulat din naman ng Comelec na hanggang Setyembre 30, 2024, mayroong 532,837 applicant hits na natukoy sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS) .

 

 

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga natu­rang kaso ay isasailalim sa ‘removal of double or multiple registrants per AFIS.’ (Daris Jose)

Other News
  • Voter’s registration sa mga mall, aarangkada sa Disyembre

    MAGPAPATULOY  muli ang pagsasagawa ng voters registration sa limang piling shopping malls sa National Capital Region (NCR) sa dara­ting na Disyembre 17.   Ito ay makaraang aprubahan ng Commission on Election (Comelec) en banc noong Oktubre 26 ang operational plan ng ‘Register Anywhere Project’ (RAP) ng komisyon.   Subalit, tutukuyin pa sa mga susunod na […]

  • SHARON, umaming ‘devastated’ sa pinagdaraanan at humihiling na ipagdasal

    WORRIED ang mga friends at fans ni Megastar Sharon Cuneta, sa Instagram post niya na devastated daw siya ngayon.     Ayon kay Sharon, “Rarely has my faith in our Almighty God ever wavered.. But now, sadly, as I am only human after all, it is wavering…I am devastated.  And forgive me if I cannot […]

  • 1 Peter 3:18

    Christ suffered for sins once for all… to bring you to God.