• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pilipinas nadomina ang pagsisimula ng Davis Cup

Nadomina ng men’s tennis team ng bansa ang Mongolia sa pagsisimula ng Davis Cup na ginaganap sa Bahrain.

 

 

Nakuha ng Pilipnas ang 3-0 na record na isang magandang muling pagsisimula matapos ang apat na taon na pamamahing sa torneo.

 

 

Nanguna naman si Eric Jed Olivarez Jr sa first singles na tinalo si Sonompuntsag Enkhjargal, 6-0, 6-0.

 

 

Habang panalo rin si Alberto Lim laban kay Undrakh Purdevdorj with 6-1, 6-3.

 

 

Bumandera rin sa doubles sina Ruben Gonzalez at Francis Alcantara 6-1, 6-0 laban kina Tenuun Oyunbold at Zolbadar Urnukh.

 

 

Nasa Group V ang Pilipinas kung saan marapat na sila ay makapasok sa top 2 sa 15 bansa para makangat sa Group IV promotion.

 

 

Streaming service

 

 

Kasama ng Pilipinas sa Group V ang mga bansang Bahrain, Bangladesh, Bhutan, Brunei, Guam, Laos, Macau, Maldives, Mongolia, Nepal, Pacific Oceania, Tajikstan, Turkmenistan, at Yemen.

Other News
  • LTO: 101,889 sasakyan maaring marehistro kahit may NCAP violations

    MAKARAANG  mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.     May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod […]

  • Ginebra nasa unang puwesto na matapos tambakan ang Dyip, 102-80

    PASOK na sa unang puwesto ang Barangay Ginebra matapos tambakan ang Terrafirma 102- 80 sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.   Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang panalo na nagtala ng 21 points habang mayroong 13 points, 11 rebounds at siyam na assists si Scottie Thompson.   Dahil sa […]

  • Kiefer ‘di pinayagan ng PBA

    Hindi masisilayan si Kiefer Ravena suot ang Shiga Lakestars sa Japan B.League.     Ito ay matapos magdesisyon ang PBA Board of Governors na huwag pahintulutan si Ravena na makapaglaro sa Japanese league.     Nais ng PBA na sundin ni Ravena ang nakasaad sa kontrata nito sa NLEX Road Warriors.     “The PBA […]