Pilipinas, nakatugon na sa requirement ng WHO hinggil sa bilang ng mga health workers na fully vaccinated na
- Published on August 20, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 90% na ng mga health workers ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.
Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.na nakatugon na aniya ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng mga medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna.
May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa A1 group na kumakatawan sa may 1,539,679 na healthcare workers.
“Sa ngayon po ay mayroon na po tayong 1,539,679 na healthcare workers or 93 percent na fully vaccinated.
Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” ayon kay Galvez.
Sa kabilang dako, umaangat na rin ang A2 at A3 group o ang grupo ng mga senior at mga may commorbidities.
May 3.6 million na ani Galvez ang fully vaccinated na mga A2 o Senior habang nasa 66 percent na ang bakunado sa A3 group at nasa 1.1 million ng fully vaccinated ang nasa hanay ng A5 o poor community.
“At ngayon umaangat na rin ‘yung ating priority group A2 and A3. Sa ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2 ngayon mayroon na tayong mga 3.6 million na fully vaccinated na ng A2. Nakikita natin na may agwat ang first dose at saka second dose dahil dito — dito natin ikinount (count) ang Johnson & Johnson na one single dose,” aniya.
“And then dito rin po sa A3 ganito rin po na mas mataas po ang fully vaccinated dahil dito rin po natin ikinount (count) ‘yung ano, ‘yung Johnson & Johnson. So mayroon na po tayong 4.7 or 66 percent. At tumataas na rin po ang ating bilang sa ating A5, ‘yung ating mga poor communities, mayroon na po tayong 1.1 million. At ito na po ang tina-target natin naman sa Moderna, ‘yung bigay po ng COVAX,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Justice Gito, Justice Miguel mga bagong Associate Justice ng Sandiganbayan
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Justice Gener Malaluan Gito at Justice Ermin Ernest Louie Ramirez Miguel. Bilang mga bagong Associate Justice ng Sandiganbayan. Ang appointment paper ni Gito ay nilagdaan ni Pangulong Marcos nito lamang Oktubre 8, 2024, ipinadala naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga appointment papers nina Gito […]
-
Welcome kay PDu30, paglagda sa PH-Korea free trade pact
WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglagda sa Philippines-Republic of Korea (ROK) free trade agreement, araw ng Martes, Oktubre 26. Sa naging talumpati ng Pangulo sa 22nd ASEAN-ROK Summit, sinabi nito na ang trade pact ay “needed for our economies to recover and bounce back,” malinaw na tumutukoy ito sa mga epekto ng […]
-
‘Pinoy Tasty’ at ‘Pinoy Pandesal’ may taas presyo na
IPINAGTANGGOL ng grupo ng mga panadero ang pagpapatupad ng dagdag presyo sa kanilang “Pinoy Tasty: at “Pinoy Pandesal”. Mayroon kasing P40.50 ang presyo ng Pinoy Tasty mula sa dating P38.50 kada balot hbang ang Pinoy Pandesal ay nasa P25.00 kada balot na mayroong P1.50 ang pagtaas. Ang nasabing dagdag presyo isang […]