Pilot implementation sa fare collection system, tatagal ng 9 hanggang 12 buwan – DOTR
- Published on September 10, 2022
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system.
Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines cards at sasaklawin ang mas maraming public utility vehicle (PUV) units at ruta.
Nauna nang sinabi ni Batan na ang Automated Fare Collection System Euro-Mastercard-Visa Pilot Production Testing Project (AFCS EMV PPT) ay naglalayong magtatag ng cashless payment sa mga modernong PUV.
Ayon sa kanya, maaari pa ring magbayad ng cash ang mga pasahero kung wala silang payment card.
— Sa kasalukuyan, ang Land Bank prepaid at credit contactless card lamang ang tinatanggap sa 150 kalahok na PUVs sa bansa sa ilalim ng pilot run.
Kapag naibigay na ang mga kinakailangang regulasyon o patakaran, ang solusyon sa Land Bank AFCS ay maaari ding tanggapin at iproseso ang mga EMV contactless card na inisyu ng ibang mga lokal na bangko.
-
PBBM, tinitingnan ang Japanese investments sa Philippine agriculture
TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-usap sa Japanese o Hapones hinggil sa investments sa agricultural sector sa Pilipinas at sa agricultural products nito na pumapasok sa Japanese market. Binanggit ito ni Pangulong Marcos habang sakay ng PR001 patungo sa kanyang official visit sa Japan. “Number one, that opens up […]
-
Bagsak na grado kay BBM sa unang 100 araw nito
BINIGYAN ng bagsak na grado ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Pangulong Bongbong Marcos para sa nalalapit na unang 100 araw nito sa Palasyo “Sa totoo lang parang may pagka-deja vu ang Marcos Jr. administration sa nakaraang administrasyon ni Duterte. Napakaraming pinangako pero wala pa ding […]
-
Mga atleta busy sa 1st quarter ng 2021
MAY 83 national athletes pala buhat sa 19 sports ang mga nangangarap pang makahabol sa paglahok sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemyang Covid-19. Ito ang napag-alaman ng OD kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez sa programa ng ahensiya kung […]