• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinaghirapan, ilang taong pinag-ipunan at pinaghandaan… DINGDONG, pinasilip na rin ang bonggang dream house nila ni MARIAN

PINASILIP na ang kanilang bonggang bahay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

Habang nagsu-swimming si Dingdong at si Marian Rivera-Dantes naman ay relax lang sa tila lanai nila with their dog. Ang ganda at ang laki ng bahay.

 

Sabi ni Dingdong sa kanyang caption sa Instagram, “The things we cherish most often do not come easy.

 

“A house is no different. We work hard to build it— founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it.

 

“Soon to be ‘painted’ with memories we will be creating, and love that we will sharing within, possibily for generations to come.

 

“What is worth keeping deserves only the things we trust.

 

“Subukan ang subok na.”

 

Sa isang banda, alam namin na dream house talaga nina Dingdong at Marian ang bahay nila ngayon. Kaya ilang taon din at hindi sila nagmadali na ipagawa, pinag-isipan nilang talaga at pinaghandaan.

 

***

 

LUMABAS ang pagiging fan ng Megastar na si Sharon Cuneta sa dating phenomenal child star/host na si Ryzza Mae Dizon.

 

‘Yun pala, may itinatago itong paghanga at pag-asam noon na maging guest sa dating show ni Ryzza. Kaso, hindi raw siya naimbitahan at nahiya naman siyang ipresinta ang sarili.

 

Eh, given na rin na magkaiba sila ng network.

 

So, nang makita ni Sharon si Ryzza Mae sa debut party ni Yohan Agoncillo, anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, talagang nagpa-picture ito at sinabi ngang fan siya.

 

Sey ni Sharon sa kanyang Instagram post, “Nung may show pa siya sa GMA7, fan na fan niya ako at naghihintay ako na i-guest niya ako dahil nahihiya ako magpresinta!

 

“Nahiya daw siya kasi! Kahit sa States noon, pinapanood ko siya araw-araw! Kaya nung na-meet ko siya for the first time last night, nakiusap talaga ako magpa-picture!”

 

***

 

MAGPA-PILOT na simula ngayong Sabado, November 26 at 5pm ang “Kuha All” na bagong programa ni Ka Tunying Taberna sa bagong network na ALL TV.

 

Siyempre, marami talaga ang nagtataka kung bakit sa bagong All TV siya pumayag na muling lumabas sa telebisyon, pwede nga naman sa TV5 at lalong-lalo na sa Net 25 bilang isang miyembro ng INC si Ka Tunying.

 

Kaya tinanong namin siya kung ano ang mga advantages na nakikita niya na gumagawa siya ng programa ngayon sa isang bagong network. Sa disadvantages kasi, given na in-terms of viewerships, mahina o kulang na kulang pa talaga.

 

Ayon dito, “Sa tingin ko, sa parte namin na iilan pa lang kami na nagsisimula ng show dito sa ALL TV, very challenging po. As in, very challenging because we are like start-up company, nagpapakilala pa kahit na mga luma na naman kami.

 

“Of course, may mga competitors tayo na tanggapin natin ang totoo na mga established na. Pero on top of that, ang pinaka-malaking challenge is the social media.”

 

Siya raw mismo, nagtatanong-tanong kung nanonood pa ba ng telebisyon at marami raw talaga ang hindi na nanonood. At ‘yun daw ang mabigat, ‘yung maibalik sa mga rito ang interes na manood pa rin ng telebisyon.

 

Pero kung may advantage man daw na sa new network siya, ‘yung allowance na ibinibigay raw sa kanila.

 

“Tanggap nila na hindi tayo agad magiging bongga. Baka maging struggle pa tayo, pero kung makatulong tayo sa mga tao, tingin ko, mag-uumpisa na muli at magiging part kami ng All TV na maibalik ang interes ng mga manonood sa TV.”

 

Public service ang component ng bago niyang show na mas matapang nga lang sa tingin namin compared sa dati niyang ginagawa.

 

Nang sabihin namin na mukhang siya ang makakatapat ng ‘Isumbong Mo Kay Tulfo’, itinanggi niya dahil hindi raw niya magagawa ang ginagawa ni Tulfo na pakikiag-usap naman sa domestic issue tulad ng pamilya.

 

“Kahit pag-awayin ang dalawang pulitiko, kaya ko. Pero sa pamilya, hindi e,” saad niya.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Pagsisimula ng Villar TV Network, matatagalan pa: WILLIE, labis-labis ang pasasalamat dahil nag-negative sa cancer

    LABIS-LABIS ang pasasalamat ng game show host na si Willie Revillame nang ipaalam na niya last Monday, March 28, ang result ng tests para ma-detect if he has cancer.       Ikinagulat daw niya na after two years na hindi siya nakapagpa-executive check-up, because of the pandemic, may nakitang polyps sa kanyang katawan.     Sa kanyang YouTube channel, […]

  • Para sa single at babae lang ang ‘Miss Universe’: GLORIA, ‘di pabor na makasali ang may asawa, may anak at transsexual

    HINDI pabor si Gloria Diaz na makasali sa Miss Universe ang mga may asawa, may anak, at transsexual.     Kauna-unahang Pilipinang Miss Universe si Gloria kaya may bigat ang kanyang opinyon o pananaw tungkol dito.     “Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss yun, di ba,” umpisang sagot […]

  • Kinilig ang netizens sa viral videos: ALDEN, sinurpresa si KATHRYN bitbit ang regalo at malalaking bulaklak

    PINAG-UUSAPAN at nag-viral na naman ang magkaibigang Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos na kumakalat ang video nila sa isang event.     Ilang mga X users na nag-upload ng video kina Kathryn at Alden na kung saan nagse-selfie ang mga ito at isa namang may pa-surprise gift at bouquet si Alden para sa aktres. […]