Pinagpiyestahan na sa social media ang video: PAUL, nag-sorry sa girl na sumalampak dahil sa pagkuha niya ng upuan
- Published on July 1, 2025
- by @peoplesbalita
Inamin nitong na-stress, nag-anxiety raw siya nang magsasayaw na siya kasama ang ilang Sexbomb Girls.
Eh sey nga ni Melai, noon pa, idol o kilala na raw niya ang Sexbomb at alam niya ang mga kanta nito. Pero nawala naman daw ang kaba niya dahil kahit mga icon na sa sayawan, naging supportive naman daw sa kanya sina CheChe Tolentino, Jopay Paguia, Sunshine Garcia at Rochelle Pangilinan.
Sila kasi ang P-Pop girls ng Converge bilang mga Mama Mo ng Surf 2 Sawa. May bagong offering ang Converge kunsaan, exclusively prepaid ang internet, pero napakamura at surf 2 sawa. Bagay na bagay sa mga mommy, lalo na yung hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-afford. Lumalabas na P4 a day lang ito.
Pumirma na sila ng kontrata at binibiro ang mga bosses ng Converge na dapat nga raw, wala ng pirmahan dahil up to sawa rin sila as ambassadors.
Kay Melai pa rin, galing dito ang salitang ang Sexbomb daw ang original BINI.
***
NAGPAPASALIN-SALIN na ngayon sa social media ang kuhang-kuha ng buo sa video sa isang out-of-town show ni Paul Salas.
Since focused si Paul sa pagkanta at pagpapasaya ng mga tao, pinagbibigyan naman niya ang lumalapit na magpa-picture kahit na kumakanta siya.
Yung huling babaeng lumapit, nakaupo pala sa dulo kunsaan, dahil bakante ang chair, kinuha ni Paul para tuntungan niya.
Dahil nakatalikod si Paul, nang kuhanin ang silya, sabay uupo na si girl. Ending, napasalampak ito.
Bawat makapanood yata ng video ay natatawa. Merong netizen na tinawag na bastos si Paul. Pero dinipensahan naman siya ng karamihan at sinabing kitang-kita naman daw na hindi nito sinadya. At walang may gusto sa nangyari.
Mapapatawa ka naman. Pero siyempre, kahit ‘di sinadya, ay agad na nag-sorry si Paul kay girl.
Sa kanyang Facebook post, mababasa ang sagot ng aktor nang makarating sa kanya ang video, “Hindi naman kasi sa akin ang upuan kuha ako ng kuha pasensya Minamahal na binibini at hindi ko napansin eh upuan mo pala yun, bawi ako sayo i love you!!!
“Mabuti at okay ka at sana nag-enjoy ang lahat ng mga taga-Brookes Point Palawan love you guys!!”
(ROSE GARCIA)