Pinaiyak sila ng mga anak dahil sa ‘Moon River’: ALFRED, humingi ng dasal sa maselang pagbubuntis ni YASMINE
- Published on July 17, 2023
- by @peoplesbalita
SA latest Instagram post ni Councilor Alfred Vargas, ibinahagi niya ang video ng recital ng dalawang anak na sina Alexandra and Aryana na kung saan mapuso nilang kinanta ang “Moon River”.
Simula ng caption ng aktor ang part ng kanta na talaga namang nakaka-touch at isa rin sa favorite song namin mula nang mapakinggan na inawit ni Audrey Hepburn habang naggigitara sa 1961 movie na “Breakfast at Tiffany’s”.
“Two drifters, off to see the world
There’s such a lot of world to see
We’re after the same rainbow’s end
Waitin’ ‘round the bend
My huckleberry friend
Moon river and me” 🎶
Pagpapatuloy ni Alfred, “I’ve known this song since I was their age. But Moon River never felt this special until our own daughters, Alexandra and Aryana, performed it from their hearts.
“Iba nga talaga kapag anak mo na ang kumanta nito. Suddenly, this piece just had a more profound meaning that touched the depths of my being.
“Thank you, @themusicclassroomph , for being there to develop our children’s talents and love for music. Music is indeed the food of love.”
Pagtatapos pa niya, “To Alex and Ary, thank you for this. Pinaiyak niyo na naman kami ng Mommy niyo 😘❤️
#recital #moonriver #proudparents #love
Samantala, last week ay nag-post din si Alfred kanyang pagbabahagi tungkol sa masaleng pinagdaraan ng kanyang asawa na Yasmine Espiritu-Vargas, na ipinagbubuntis ang kanilang ika-apat na anak.
Kasama ang magandang larawan ng asawa, “With immense gratitude to God, the Vargas family is elated to share that my Amore, @yasmine_vargas2307 is now 13 weeks pregnant with our fourth child! ❤️😊🙏🏽
“God has blessed me with a wonderful life. This is mainly because He has not only given me a beautiful wife, inside and out, but a brave one as well. Yasmine is truly a fighter.”
Pag-amin pa niya, “Kung alam lang nila, Amore ko, ang matinding paghihirap na pinagdaanan at pinagdaraanan mo…
“It’s her 4th pregnancy suffering with Hyperemesis Gravidarum all day with severe nausea and vomiting.
“She can’t even drink water nang hindi nagsusuka after. She lost several kgs in the first 3 weeks.
“This is her 2nd pregnancy with GAD (Generalized Anxiety Disorder). And she experiences relentless anxiety and panic attacks (without any triggers).
“Bedrest siya buong first trimester. She even had mulitple days with IV just to get enough vitamins and treatment.
“We are hoping that things will get better each day that passes. So far, with God’s grace and the reliable support system that we have (doctors, experts, friends and family), Yasmine is able to steadfastly beat every challenge that arrives.”
Kaya naman humingi siyan na ipagdasal ang kanyang asawa at magiging anak.
“We humbly ask for your prayers for Yasmine’s and our little baby’s great perfect health and well-being.
“We’re also counting on your support and understanding on this journey of ours as we welcome the newest member of the family this coming January.
“Truly, family is love. And our family just got bigger. There’s bigger love to share soon!”
Dagdag mensahe pa sa kanyang beautiful wife, kasama sa dulo ang #vargasnapagibig, “To the mother of my children (now four children!), Yasmine, I love you with all my heart. The world is much a better place with mighty mothers like you!
“I’m here for you always. Mahal na mahal kita.”
Ipagdasal natin ang mag-ina, na nawa’y maging malusog sila pareho hanggang sa maisalang ang ikaapat na supling nina Konsehal Alfred at Yasmine.
(ROHN ROMULO)
-
Malasakit Centers: 6 taon nang nagseserbisyo sa Pilipino
NOONG Pebrero 12, 2018, isang makabuluhang marka sa pangangalaga sa kalusugan ang pinasimulan matapos pasinayaan ang unang Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City. Pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go na noon ay Special Assistant to the President, ang Malasakit ay isang one-stop shop na nagpabilis sa access […]
-
Nasita sa helmet, rider buking sa droga sa Valenzuela
KALABOSO ang 42-anyos na factory worker matapos mabisto ang dalang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), RA 10054 (Motorcycle Helmet law of 2009), Section 19 at 15 of RA […]
-
CLOE, aminadong mapangahas ang role sa ‘Silab’; MARCO, parang young RICHARD GOMEZ
INILULUNSAD bilang ganap na bituin si Cloe Barreto, talent ng 3:16 Talent Management at bida sa Silab, ang bagong sex drama offering ng film outfit ni Madam Jenilyn Carrillo. Sa isang pocket presscon for her and leading man Marco Gomez, sinabi ni Cloe na handa na siya to do all the demanding drama and […]