‘Pinaka’ sa lahat ng ginawa bilang isang aktres: PINKY, thankful na mahusay na nagampanan sina Moira at Morgana
- Published on September 27, 2024
- by @peoplesbalita
GUMAGANAP si Pinky Amador bilang si Moira/Morgana sa top-rating series ng GMA na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.
Marami na raw siyang na-portray na mabigat na papel sa buong karera niya bilang aktres, pero ito ang pinaka raw ang ginagawa niya.
“Ay naku, isa sa pinakamasaya, pinakamahirap, pinaka-challenging, and pinaka-rewarding,” pahayag ni Pinky.
“Mabibigat din, pero ito kasi sunud-sunod na mabibigat, kung anu-ano na lang ang naiisip.
“Imagine namatay na si Moira, bumalik pa si Morgana.
“So, it’s like another set ng mga challenges, paghihirap, pag-iisip kung paano makakaganti, kung paano mabubuo pa yung pamilya niya kahit alam naman niyang mahirap, marami siyang kasalanan, ganun.”
Sino ang mas hirap siyang i-portray si Moira o si Morgana?
“I think Moira, kasi si Morgana kasi since nag-a-assume lang siya ng identity, hindi siya makatodong kontrabida, kasi baka mabuko siya.
“Hindi siya… siya talaga si Moira na nagpapanggap lamang. The moment na gumawa siya ng bagay na masama, siya pagbibintangan, so pag pinagbintangan siya at naimbestigahan siya, mabubuko siya ngayon. “So, mabubuko na siya pala si Moira na may mga kaso, may mga pending, makukulong siya.
“So, kumbaga yung pagka-ano niya, limited lang. Pero pareho din naman na mahirap kasi si Morgana na yung lumaki ako sa farm, nasa pig pen, mga ganun, mga muntik na ako mahimatay.
“Physically, very challenging siya.”
Well, pinag-usapan at nag-trending si Morgana dahil inihawig ang naturang karakter sa kontrobersyal na dating Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Aware naman si Pinky tungkol dito.
Lahad niya, “Yes, oo. Actually, nung pumu… ito yung kuwento sa akin ng producers, tinanong ko si direk kasi,” pagtukoy ni Pinky sa direktor ng teleserye nila na si LA Madridejos.
“Sabi ko, pinag-uusapan kasi nila, alam naman nilang may kontrata ako sa Singapore, so alam naman nilang hindi ako totally mamamatay.
“So, nag-iisip sila ng paraan para makabalik si Moira. “So in the story, mamamatay kuno, so nag-iisip sila, paano natin pababalikin si Moira?
“So, isa sa mga naisip nila is stolen identity, so nandoon na yung thought balloon na stolen identity, sabay sumabog yung issue sa Senado.
“So sabi nila, ito na yun, nangyayari na ng totoo, why can’t we use it? It’s happening in real life.”
Pansamantalang nawala sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ si Pinky dahil sa isang prior commitment sa Singapore.
Aniya, “I was in Singapore for seven weeks. Kaya talagang kailangan ‘mamatay’ talaga si Moira.”
Buti pinayagan siya ng GMA?
“Oo, kasi nung pinaalam ko yun last year pa, 2023, iyon yung time na hanggang January 2024 pa lang kami. So ang paalam ko is May.”
Na ang thinking niya is tapos na ang serye?
“Hindi, sabi ko, kahit ma-extend pa yan ng February, or March, or April, pasok pa ako, e na-extend hanggang June 30.
“So sabi ko, eto na, hanggang sa huli, tinatanong nila ako, ‘Tuloy ba yan?’ E wala, naka-sign na ako ng kontrata.
“Tsaka alam naman natin, Singapore iyon.”
Isang play ang naging proyekto ni Pinky sa naturang bansa.
“Who’s Afraid of Virginia Woolf. I was the woman playing Martha. It’s about an older couple and a younger couple. Apat lang kami doon.”
Dagdag pa ni Pinky, “It’s a movie with Elizabeth Taylor and Richard Burton, and recently, in the West End, ginampanan ni Imelda Staunton, yung nag-play ng the queen sa The Crown.”
So dahil talagang malakas si Moira at si Morgana, nagawan ng paraan na makabalik si Pinky sa ‘Abot Kamay na Pangarap’?
Aniya, “Yes po. I’m very…ako super thankful ako dun, kasi tanggap ko na kung patayin nila ako, hindi na nila ako pabalikin.
“Tanggap ko yun kasi pumirma ako ng kontrata, hindi ko naman alam na extended, and siyempre creative choice nila yun.
“Pero for… the fact na ibinalik nila ako, hindi yun nangyayari every day, so talagang sobrang, sobrang pasasalamat ko.
“Kasi hindi lang siya trabaho, ano siya e, trabaho na you go to work with people that you really love working with, that you have respect for, co-actors that are intelligent, that are generous, and that get along.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Bagong testing and quarantine protocols ipaiiral simula Feb. 1 – IATF
Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong testing at quarantine protocols epektibo simula Pebrero 1 para sa mga papayagang makapasok ng bansa. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, lahat ng mga pasahero mula sa ibang bansa ay obligado ng sasailalim sa facility-based quarantine pagdating ng Pilipinas. Ayon kay […]
-
DFA, palalawakin ang e-visa sa India; system test sa China, nagpapatuloy
NAGHAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na i-roll out ang e-visa sa India matapos na palawakin ang beta system test sa lahat ng foreign service posts (FSPs) sa China. “Further to the President’s policy directive on the implementation of the e-Visa system, the DFA is preparing to expand e-Visa operations to […]
-
Nude photo ni J.Lo, pinagkaguluhan social media
BREAKING the internet ang nude photo ni Jennifer Lopez na cover ng kanyang new single na “In the Morning.” Nagkagulo sa social media dahil sa hubo’t hubad na photo ni J.Lo! Bago i-drop ang new single, nagpatikim ang 51-year old singer-actress ng teaser video bilang pang-promo. Ang kanyang racy cover ay kuha nina […]