• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PINAKAHIHINTAY NA 2ND TRANCHE SAP, NATANGGAP NA NG 3K NAVOTEÑOS

NATANGGAP na ng 3,003 Navoteño families ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

 

 

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa mga benepisyaryo.

 

 

Nasa 448 beneficiaries na ang mga pangalan ay kasama sa 51 mga liham na ipinadala ng Navotas sa DSWD-NCR, ay nakakuha na ng kanilang cash aid, Sabado. Ang natirang 2,555 ay matanggap ang kanilang second tranche sa October 11-18, 2021.

 

 

“Our constant follow-up and dogged perseverance have borne fruit at last! We are glad that beneficiary-families will now receive the cash assistance due to them. We will continue to coordinate with DSWD-NCR to address the appeals of other Navoteños who have yet to get their financial aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Ang Bayanihan to Heal As One Act 1 ay nag-expire noong 2020 kaya gumawa ng paraan ang DSWD na makakuha ng pondo para sa P8,000 second tranche sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

 

 

Sa ilalim ng AICS, maximum lamang na P5,000 ang maaaring ibigay sa anumang indibidwal na beneficiary habang ang natirang P3,000 ay ipamamahagi ng DSWD sa ibang oras.

 

 

Noong Setyembre, 668 na pamilyang Navoteño ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay P8,000 na emergency cash assistance. Bahagi rin sila sa mga ipinadalang liham ni Tiangco sa DSWD. (Richard Mesa)

Other News
  • Pelicans naitabla ang serye vs Suns, matapos magtamo ng injury si Booker

    NASILAT ng New Orleans Pelicans ang top team na Phoenix Suns sa iskor na 125-114, kaugnay sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs sa Western Conference.     Dahil dito tabla na ang best-of-seven series sa tig-isang panalo.     Naging daan sa panalo ng Pelicans ang all-around performance ni Brandon Ingram na may […]

  • BBM, MAKIKIPAGTULUNGAN SA SIMBAHAN

    HANDANG makipagtulungan si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa simbahan.     Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, sinabi nitong positibo ang kanilang pag-uusap para sa mas matibay na relasyon ng pamahalaan at simbahan.     “We had a very productive, encouraging and positive discussion and the […]

  • May pakiusap na tigilan na ang pagko-comment sa dalawang luxury brands: SHARON, pinuri ng mga netizens sa simpleng cellphone na regalo kay MIGUEL

    PINUPURI ng mga netizens at followers si Megastar Sharon Cuneta sa Instagram niya post tungkol sa kanyang son na si Miguel na turning 13 na pala this week.     Makikita nga ang larawan ni Miguel, na ang ganda ng ngiti habang hawak-hawak ang bagong cellphone niya.     Caption ni Sharon, “Someone is turning […]