Pinakahihintay na wedding day ni KRIS, magaganap na ngayong Sabado at wala nang urungan
- Published on September 23, 2021
- by @peoplesbalita
SA Sabado, September 25 na ang pinakahihintay na araw ni Kris Bernal, ang kanyang wedding day.
So this time, mukhang wala nang urungan at wala na rin pagka-delay.
Laman ng Instagram ni Kris ang mga ginagawang preparation for her wedding at very obvious ang excitement niya. Ni-reveal na rin niya ang designer ng kanyang wedding gown na si Mak Tumang daw at sa fitting pa lang niya, talagang grabe na ang saya nito at emosyon. Sey ni Kris, “I am over the moon! And I can’t wait for y’all to see this!”
At iniisa-isa na rin niyang i-post ang mga prenup photos nila ng fiancée na si Perry Choi. Noong huli naming makausap si Kris, nabanggit niya na ang guest list niya ay nasa 100-150 at halos sobrang na-trimmed down na raw ‘yun, pero, dahil sa mga restrictions pa rin, ‘di-malayong baka nagbawas pa ito.
Umaasa si Kris noon na sa wedding nila, halos lahat ng invited guests mula sa principal sponsors daw nila ay nakapagpa-fully vaccinated na.
‘Yun nga lang, since si Kris nga ang nabalitaan namin na papalit kay Jackie Rice para sa GMA-7 series na Artikulo 247 na magsisimula na rin ang lock-in taping, ‘di-malayong after ng wedding nila, magkakahiwalay muna silang mag-asawa ng matagal dahil quarantine plus the lock-in taping pa si Kris.
***
TINAMAAN din pala ng COVID-19 ang isa sa beteranang actress na rin na matatawag na si Carmi Martin.
Nangyari raw ito nang mag-swab test siya habang naka-quarantine for a project. Ang maganda lang daw, asymptomatic siya.
Hindi na siyempre siya natuloy sa taping dahil nag-positive nga siya na nakuha niya sa kanilang kasambahay. Hindi naman nag-deny si Carmi na natakot daw siya at hindi talaga biro ang mag-positive.
Aniya, “Totoo talaga ang COVID-19 so ako talaga, maingat naman kami, pero nangyari pa rin. Ang maganda lang talaga, I was asymptomatic. I think, malaking tulong talaga ‘yung healthy lifestyle.”
Dahil sa pagiging Christian, ang ginawa raw niya, during the time na naka-quarantine siya, tinawag niya itong “honeymoon with the Lord.” I really used that time for Praise and Worship, reading the bible. I called it honeymoon with the Lord.”
‘Yun daw naging experience niya ay naging testimony niya at hanggang sa 700 Club ay nag-testimony siya.
Sa isang banda, isa si Carmi sa mga tinatawag na “ageless” beauty dahil hanggang ngayon, mukhang bata at napaka-sexy pa rin.
At masuwerte si Carmi dahil kahit pandemic, bukod sa mga series na ginagawa niya, heto’t siya pa ang nilunsad ng Yamang Bukid bilang celebrity endorser ng bago nilang produkto, ang Insulin Plant Tea, kunsaan, old time user na siya ng turmeric tea naman nila.
***
WALA ng caption, pero mismong mga pictures na pinost n ani LJ Reyes habang nasa New York ito ngayon ang nagsusumigaw na she’s moving on graciously.
Ang daming nagka-bet sa bagong hairstyle ni LJ na may pa-bangs kaya comment sa kanya ng mga kapwa artista o kaibigan tulad ni Melai Cantiveros at Andrea Torres, “Wow.”
Si Cristine Reyes naman, fire emoji at puro heart at mga comment na, “blooming ka.”
Ang alam namin, talagang nagpapalakas si LJ habang nasa New York sa masakit na pinagdaanan lately sa naging relasyon nil ani Paolo Contis. Mukhang nakakatulong talaga sa kanya na mag-focus lang sa positive side at ang pagka-counselling.
(ROSE GARCIA)
-
Poland, pinagtibay ang suporta para sa defense cooperation sa Pinas, pinanindigan ang int’l law
SA pagdiriwang ng National Day ng Republic of Poland, muling inulit ng Embassy of Poland sa Pilipinas ang commitment ng Polish government na palakasin ang defense cooperation, panindigan ang rules-based order, at bigyang-diin ang kahalagahan ng international law sa loob ng rehiyon. Sa pagsasalita sa naturang event, sinabi ni Anna Krzak-Danel, Chargeé d’Affaires a.i. […]
-
PBBM, winelcome ang 2 bagong ATAK helicopters; nangako na mabilis na iaarangkada ang PAF modernization
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) sa hangarin nitong matupad ang vision nito na maging world-class. Pinangunahan ng Chief Executive ang ceremonial blessing ng dalawang bagong T129 ATAK helicopters sa Malakanyang. Umaasa naman ang Pangulo na ang modernization goal ay magiging daan para mapalakas ang […]
-
Hot Shot star Marc Pingris magreretiro na sa PBA
Magreretiro na sa paglalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hot Shot player Marc Pingris. Isinagawa nito ang anunsiyo sa sarili nitong social media account kung saan ikinuwento niya ang unang sabak niya sa PBA noong 16- taon na ang nakakaraan. Hindi aniya nito malimutan ng tawagin ang kaniyang pangalan […]