• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinakamababang reproduction number sa NCR, naitala

Nakapagtala na ang National Capital Region (NCR) ng 0.55 reproduction number na siyang pinakamababa mula noong Mayo, ayon sa OCTA Research Group kahapon.

 

 

Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na noong Mayo 18, nakapagtala ang rehiyon ng 0.58 reproduction number saka nagtuluy-tuloy sa pagtaas.

 

 

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring mahawa ng isang pasyente ng COVID-19.  Kung mas mababa ito sa 1.0 ay indikasyon ito na bumabagal ang hawaan ng virus.

 

 

Ayon pa kay David, ang kasalukuyang seven-day ave­rage sa NCR ay nasa 1,411 na lamang, mula sa dating 1,448.

 

 

“Hopefully the reproduction number stays below 0.6 until year’s end,” ayon kay David na una na ring nagsabi na posib­leng payagan na ang mga Christmas party sa Disyembre para sa mga bakunado.

 

 

Sa pagtaya ng naturang grupo ng mga eksperto, kung magpapatuloy ang downward trend ng mga kaso ay aabot na lamang sa 400 hanggang 600 ang maitatalang bagong arawang kaso sa Metro Manila hanggang sa Disyembre at 3,000 hanggang 4,000 naman sa buong bansa.

Other News
  • Malasakit Center beneficiaries: 15 milyon and counting!

    FIFTEEN million beneficiaries and counting.       Ito ang update ng Department of Health (DOH) sa pagdinig ng Senate committee on health tungkol sa kasalukuyang estado ng Malasakit Centers Program.       Sa kabila ng bulung-bulungan tungkol sa kahihinatnan ng “one-stop shop for medical assistance,” sinabi mismo ni DOH Sec. Ted Herbosa sa […]

  • Utos ni DOTr Sec. Dizon, agarang pagsibak sa mga enforcer na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol

    INIUTOS ni Transportation Secretary Vince Dizon ang agarang pagpapatanggal sa limang tauhan ng Land Transportation Office (LTO) na sangkot sa hindi makatarungang pagtrato sa isang motorcycle rider sa Panglao, Bohol noong Biyernes.   “Simula ngayong araw, tinatanggal na natin sa serbisyo ang mga enforcer na sangkot sa insidente sa Panglao, Bohol,” pahayag ni Sec. Dizon sa […]

  • Suporta sa Presidential bid ni Bongbong sa 2022 tumitindi

    Dalawampu’t-limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.       Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta.     […]