Pinal na listahan ng mga kandidato sa Disyembre ilalabas – Comelec
- Published on October 19, 2021
- by @peoplesbalita
Sa Disyembre pa malalaman kung sino ang mga opisyal na tatakbo para sa 2022 National at Local Elections dahil sa isinasailalim pa sa pagsala ng Commission on Elections (Comelec) ang mga nagsumite ng kanilang ‘certificate of candidacy (COC)’.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na 97 ang naghain ng kandidatura sa pagka-presidente habang 28 sa pagka-bise presidente.
Sa naturang bilang, inaasahan na aabot sa 95% ang matatanggal sa talaan bilang ‘nuisance candidates’.
“Unang tingin pa lang alam mong makakatanggal ka ng mga 95% na mag-file. Siguro matitira sa atin hindi lalampas ng sampu,” ayon kay Jimenez.
Tambak umano ng trabaho ngayon ang mga tauhan ng Comelec dahil sa dami ng naghain ng kandidatura sa kabila na naging mahigpit sila bilang pagsunod sa ‘minimum health protocols’ upang makaiwas sa hawaan sa COVID-19. (Daris Jose)
-
Favorite niya ang mga song ni Ice: RONNIE, consistent na mataas ang streams sa mga ni-revive na kanta
PANGALAWANG beses nang nagkakatrabaho sina Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith; una ay sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong 2019 at sumunod ay ang GMA teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na kasalukuyang umeere ngayon kung saan gumaganap sila bilang si Leon at Cristy respectively. Pinakaunang serye naman ni Joem sa […]
-
Basketball hoop ni Kobe naibenta sa auction ng mahigit P1.8-M
Naibenta sa halagang $37,200 o mahigit (P1.8 million) ang basketball hoop ni Kobe Bryant na ginamit niya noong bata pa ito. Ayon sa Heritage auction, na ang nasabing basketball board at ring ay dating nakalagay sa garahe ng Los Angeles Lakers star sa kanilang bahay sa Pennsylvania. Ang nasabing basketball hoop […]
-
Ads June 10, 2022