Pinas bagsak sa global standard sa Science, Math
- Published on September 4, 2024
- by @peoplesbalita
NAPAG-IWANAN ang Pilipinas sa ‘global standards’ sa Science at Math dahil ‘flat zero’ ang DepEd sa pagbili at distribusyon ng Science at Math equipment packages sa mga estudyante at zero rin sa distribusyon ng TechVoc equipment packages.
Ayon sa 2023 audit report ng Commission on Audit (COA), nabigo ang DepEd na makamtan ang key targets nito partikular na sa hiring ng mga guro, pagtatayo ng mga klasrum, distribusyon ng learning tools at equipment, pagbili ng textbooks, school-based feeding program sa buong taon ng pamumuno ni Vice Pres. Sara Duterte sa ahensya.
Sinisi ng mga state auditors ang hindi tamang paggamit, paggasta, kuwestiyonableng paglilipat ng pondo, paglabag sa proseso ng procurement at kawalan ng kakayahan na pasunurin ang mga suppliers na sumunod sa espesipikasyon ng delivery targets.
Base sa COA report sa DepEd Performance Indicator, nasa 12,821 mga bagong klasrum lang ang naitayo o nasa 74% sa target na 16,557 sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund (BEFF).
Samantalang sa mga planong imprenta at delivery ng 8.7 milyong textbooks at instructional/learning materials para sa nakalipas na taon ay nasa 1.87 milyon lang ang naisakatuparan o 22%.
Sa procurement at distribusyon ng Information and Communication Technology (ICT) kabilang ang laptop para sa mga guro, smart TVs para sa mga klasrum, e-learning carts o ang ‘rolling libraries with laptops’ ay nasa 73,791 ang target pero aabot lamang sa 16,416, ayon pa sa COA.
Sa hiring ng mga guro, nagtakda ang DepEd ng 15,365 posisyon na dapat mapunan sa pagsisimula ng taon pero nasa 11,023 o 72% lamang ito.
Sa kabila ng sapat na pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP), dahil sa disorganisadong proseso ng procurement at pagkakaantala ng implementasyon ay nasa 5.33 milyong estudyante lamang ang nakinabang sa programa o 77% mula sa 6.94 milyong target. (Daris Jose)
-
Balandra sa unang tropeo ni Tautuaa
HALOS walang pagsidlan ng tuwa si Moala Tautuaa sa buwena-manong individual trophy na nakamit sa may limang taong paglalaro sa iba’t ibang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA). Sa Leopoldo Awards Night na nagbukas sa ika-45 taon ng propesyonal na liga sa Araneta Coliseum sa Quezon City, ang San Miguel Beer center ang nag-uwi […]
-
Djokovic nangangambang hindi makapaglaro sa French Open matapos na maghigpit ang France
NANGANGAMBANG posibleng hindi rin makapaglaro si Novak Djokovic sa French Open sa buwan ng Mayo dahil sa ipapatupad na paghihigpit para hindi na kumalat ang COVID-19. Nagpasa kasi ang France ng vaccine pass law na aprubado ng parliyamento kung saan dapat ang mga tao ay magpakita ng certificate of vaccination kapag magtutungo sa […]
-
NAGPANGGAP NA NAKAPANGASAWA NG FILIPINOS, 2 KOREAN NATIONAL, PINIGIL SA NAIA
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang Korean national na tinangkang iligal na pumasok sa bansa gamit ang iang pekeng entry visas sa pagpapanggap na nakapag-asawa ng isang Filipinos. Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente ni Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang dalawang Korean […]