Pinas, dadalhin ang alyansa sa Estados Unidos sa ‘greater heights’ sa ilalim ng administrasyon ni Trump- DFA
- Published on November 9, 2024
- by @peoplesbalita
MASIGASIG ang gobyerno ng Pilipinas na dalhin ang alyansa nito sa Estados Unidos sa “even greater heights” sa ilalim ni President-elect Donald Trump.
Sa katunayan, looking forward si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na makatrabaho ang kanyang American counterparts sa ilalim ng administrasyon ni Trump.
“The Philippines reaffirms its commitment to continue working with the United States to advance Philippines-US relations. I look forward to working with our counterparts in bringing our alliance to even greater heights under the administration of President-elect Donald Trump,” ang sinabi ni Manalo.
Sa kabilang dako, nagpaabot naman ng pagbati si Manalo sa Estados Unidos para sa matagumpay na pagdaraos ng presidential elections noong Nobyembre 5, muli nitong pinagtibay ang “robustness of American democratic values and institutions.”
Sa ulat, muling makababalik ng White House si US President Elect Donald Trump, matapos siyang magwagi kontra kay incumbent US Vice President Kamala Harris nitong Miyerkules, Nobyembre 6, 2024 (araw sa Pilipinas).
Si Trump ang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos na minsan na ring namuno sa naturang bansa noong 2017 hanggang 2021, bilang ika-45 Presidente nito.
Matatandaang noong Nobyembre 2022 nang ianunsyo ni Trump ang kaniyang interes sa pagtakbo sa 2024 US Elections.
Sa muling pagkapanalo ni Trump, ayon sa ulat ng isang international media outlet, isa sa mga nakatakda niyang paigtingin ay ang foreign policy ng Estados Unidos, lalo na raw ang tindig nito sa pagitan ng giyera ng Israel at Hamas, gayundin sa umano’y “strategic independence” nito kontra China. (Daris Jose)
-
Summer Reading Camp 2024, muling inilunsad sa Valenzuela
MULING inilunsad ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipagtulungan sa Synergeia Foundation at Department of Education (DeEd)-Valenzuela, ang Valenzuela Summer Reading Camp 2024 sa Pio Valenzuela Elementary School at Canumay West Elementary School, Miyerkules ng umaga, July 10, 2024. Ayon kay Mayor WES, aabot sa 1,246 na mga estudyante sa Grade 3 […]
-
Kapuso actress, hindi napigilang umiyak: ZOREN, ikinuwento kung bakit minadali ang kasal nila ni CARMINA
SA vlog ni Carmina Villarroel ay kinuwento ng mister niyang si Zoren Legaspi ang dahilan kung bakit minadali nito ang preparasyon sa kanilang wedding noong 2012. Kuwento ni Zoren, may kinalaman ang lahat sa ama ni Carmina na maysakit noong mga panahon na iyon. Gusto na nilang makasal bago maoperahan ang ama para makita […]
-
Beli Bell, Bishop Blue pinagtalunan sa 2020 PHILRACOM
NAGDISKUSYON ang dalawang panatiko ng karera para sa nakatakda sa Marso 15 na 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Three-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Caromona, Cavite. Halos mag-umbagan na sina Crisostomo Arguelles at Eugene Quiltan na parehong unang softdrinks sa isang tindahan na malapit sa dating karerahan sa Maynila. Para […]