Pinas, handa kay Mawar
- Published on May 27, 2023
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA ang gobyerno sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar sa oras na pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa at maging sa iba pang lugar.
“Pinaghahandaan din natin ang magiging epekto nito hindi lamang sa hilagang bahagi ng bansa, kundi sa lahat ng lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo,” ayon kay Pangulong Marcos.
Sa katunayan, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Defense officer-in-charge Undersecretary Carlito Galvez kung saan tiniyak nito na may nakahanda ng budget at food packs.
Nakahanda na rin aniya response teams at local government units sakali’t tumama na ang bagyo sa kanilang lugar.
“Sa pulong kasama si DND [USec.] Carlito Galvez, siniguro natin na naka pre-position ang pondo at food packs, naka-standby ang response teams, at handa na ang mga LGU sa mga lugar na tatamaan ng bagyo,” aniya pa rin.
Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na may posibilidad na may dalang matinding pag-ulan at pagbaha ang bagyong Mawar sa ilang lugar sa bansa kabilang na ang Visayas region.
“May posibilidad na hilahin ng bagyo ang Hanging Habagat na magdadala ng matinding pag-ulan at magreresulta sa pagbaha sa ilang bahagi ng bansa sa Luzon hanggang Visayas,” ang wika ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Libreng sakay, rescue buses ipinakakalat sa tigil-pasada
NAKAHANDA ang pamahalaan na magbigay ng libreng sakay tulad ng mga rescue buses na ipapakalat ngayong araw sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada ng mga jeep at UV Express. Ito ang sinugurado ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkakaroon ng sapat na pampublikong transportasyon ang commuting public sa panahon […]
-
Philippine Women’s football team may dalawang laro pa sa Australia bago ang pagsabak sa SEA Games
SINIMULAN na ng Philippine women’s national football team ang kanilang training para sa 31st Southeast Asian Games. Ayon sa Philippine Football Federation (PFF) na ang 25 kababaihan na football players ay nasa Australia ngayon. Pinangunahan ng kanilang coach na si Alen Stajicic ang nasabing womens football team. Bukod kasi […]
-
DOTr: Completion ng Edsa Busway malapit na
Dumating na ang karagdagang concrete barriers upang gagamitin sa EDSA Busway na ilalagay sa dedicated na lane para sa mga buses. Simula noong July 18 ay nagsimula ng magdatingan ang mga concrete barriers na ilalagay sa inner lane ng EDSA upang mas maging mabilis ang travel time ng mga commuters. “The continuous development […]