Pinas, hindi mag-u-urong-sulong sa pagprotekta sa national territory nito—NMC
- Published on February 11, 2025
- by Peoples Balita
NANANATILING matatag ang posisyon ng National Maritime Council (NMC) sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ng NMC na ang bansa ay determinado laban sa foreign intrusions at hindi kailanman magiging urong-sulong na idepensa ang soberanya nito.
Ipinahayag ito ng NMC matapos mangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng pamahalaan na ipagtanggol ang karapatan ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa gitna ng banta ng “monster ship” ng China Coast Guard (CCG).
“We stand resolute against any foreign intrusion into our maritime zones and will never cease upholding our rights and honoring our duties under international law, particularly the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016 Arbitral Award,” ayon sa NMC.
“The Philippines, while committed to the peaceful settlement of disputes and proper diplomatic approaches, will never waver in protecting its national territory and maritime domain,” ang sinabi pa rin ng NMC.
Nauna rito, inamin ni Pangulong Marcos na walang kakayahan ang Pilipinas na palayasin ang monster ship ng Tsina mula sa territorial waters ng bansa.
Aminado ang Pangulo na napag-iwanan na ng Tsina ang Pilipinas sa ‘fleet size at lakas.’
Subalit sa kabila nito, binigyang diin ng Punong Ehekutibo na ang polisiya ay para ipagpatuloy lamang ang pagdepensa sa sovereign territory nito at territorial rights sa EEZ.
Samantala, kiunumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumalik ang China Coast Guard (CCG) massive vessel 5901 o mas kilala bilang “monster ship” sa katubigan malapit sa Bajo de Masinloc.
Iniulat ni PCG for the West Phlippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela na dalawang CCG vessels ang naispatan sa Bajo de Masinloc habang tatlong iba pa ang nanatili sa baybayin ng Zambales.
Sa kabila ng mga hamon, sinabi ni Tarriela na ang PCG ay aktibong kinikompronta ang Chinese vessels.
Sinabi ni Tarriela na inaprubahan ni Pangulong Marcos ang pagkuha ng lima pang 97-meter vessels mula Japan at 40 karagdagang vessels mula France upang palakasin ang PCG. (Daris Jose)
-
Pacquiao nagpakitang gilas sa huling sparring session bago ang laban vs Ugas
Tapos na ang anim na linggong training camp ni boxing champ Manny Pacquiao para sa kaabang-abang na laban nito sa susunod na linggo. Kahapon, apat na rounds ang ginugol ng tinaguriang fighting senator sa sparring session nito kay Abrahan Lopez. Kinailangan ni Pacquiao ang presensya ni Lopez matapos na hindi natuloy […]
-
TANGGAL BARA, IWAS BAHA PROGRAM, INILUNSAD SA QC
INILUNSAD ng Quezon City Government ang programang TANGGAL BARA, IWAS BAHA at kabahagi rito ang 142 na barangay ng lungsod upang palakasin pa ang flood mitigation ng lokal na pamahalaan. Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng barangay na unahin o gawing prayoridad ang pagtanggal sa mga bara sa […]
-
Bagong outbreaks, iprayoridad – Isko
Nararapat na gawing isa sa prayoridad ng susunod na pamahalaan ang pagbabantay at paghahanda laban sa mga susunod pang mga outbreaks na mangyayari sa mundo kahit na matapos na ang pandemya sa COVID-19, ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno. Sinabi ni Moreno, standard-bearer ng Aksyon Demokratiko para sa Halalan 2022, una niyang […]