• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, maaaring makatanggap ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine

MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan.

 

Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na ang usapan sa pagitan ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa supply ng Novavax vaccines ay isinasagawa na.

 

“The discussions are essentially underway for 30 million doses and I believe that the Philippine side is interested in a larger number and that detail is being currently negotiated,” ani Kumaran.

 

Aniya, ang negosasyon para sa Novavax vaccine ay “pretty much a done deal.”

 

“We’re very hopeful that this vaccine can reach early in the third quarter or in the late second quarter of this year. It will provide the backbone for the Philippines’ vaccination effort in the second half of this year,” dagdag na pahayag nito.

 

Maliban sa Novavax doses, pag-uusapan din ng Pilipinas at India ang 8 milyong doses ng Covaxin na dinivelop ng Indian firm Bharat Biotech.

 

“The advantage of Bharat is that we could potentially start supplies in late April or in May so that will be a useful supplement to some of the vaccine supplies that are coming into the Philippines,” ani Humaran.

 

“The third pipeline is, potentially, which is still to be determined because there are licensing issues to be addressed, AstraZeneca sourced from Serum Institute also,” pahayag pa nito.

 

Ang Serum Institute of India ay ang pangunahing manufacturer ng AstraZeneca vaccines. (Daris Jose)

Other News
  • Transport groups umaangal sa no-contact apprehension policy

    ISANG coalition ng mga transportation rights groups ang umaangal sa pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) na ginagawa ng karamihan ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Tinatawagan ng The Stop NCAP coalition ang mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila upang repasuhin at ayusin ang mga lapses sa pagpapatupad […]

  • Mababasa sa libro ng ‘Shazam’ star na ‘Radical Love’: ZACHARY LEVI, naging open sa mga pinagdaanang mental health struggles

    DAHIL sa critically-acclaimed performance ng Filipino actress na si Dolly de Leon sa Palme d’Or winning Swedish film na Triangle of Sadness, pinapirma siya ng artist company na Fusion Entertainment para sa management ng kanyang acting career.     Ang naturang artist management company ang siyang mag-represent kay Dolly sa mga offers nitong for film […]

  • Pac-Pres: Pacquiao, tatakbong Presidente ng Pilipinas sa 2022 – Arum

    Tatakbo sa pagka-presidente ng Pilipinas sa 2022 si boxing champ at senator Manny Pacquiao, ayon kay Top Rank promoter Bob Arum.   Sa isang video na inilabas ng talksport.com, sinabi ni Arum na si Pacman ang magiging kauna-unahang boksingerong magiging presidente ng isang bansa.   “The first president I think we’ll get as a fighter […]