• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, magpoprotesta-PBBM

IPO-PROTESTA mapanganib na pagmamaniobra” ng Pilipinas ang kamakailan lamang na probokasyon ng Tsina matapos na magsagawa ng “pangha-harassed, pagharang, paggamit ng water cannons, at pagsasagawa ng ang China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels para illegal na hadlangan ang routine ng Philippine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

      Sinabi ng Pangulo na ang kamakailan lamang na aksyon ng Tsina ay hindi naman dahilan para kagyat na ipanawagan ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos.

 

 

      “However, we continue to view with great alarm this continuing dangerous maneuvers and dangerous actions that are being done against our seamen, our Coast Guard. And this time, they damaged the cargo ship and caused some injury to some of our seamen and I think that we cannot view this in any way but in the most serious way,” ayon sa Pangulo.

 

 

      “Once again, we will make our objections known and hope that we can continue to communicate to find a way so that such actions are no longer seen in the West Philippine Sea,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa ulat, apat na tauhan ng Pilipinas ang nasugatan kasunod ng harassment at mapanganib na aksyon ng Tsina laban sa mga barko ng Pilipinas na naghahatid ng suplay sa mga tropang Filipino na nakapuwesto sa Ayungin Shoal.

 

 

      At nang hingan naman ng reaksyon ukol sa napaulat na namataang Chinese research vessels sa Benham Rise, winika ng Pangulo na malinaw na pagpasok ito sa Philippine maritime territory nang walang pahintulot at ito’y “of great concern.”

 

 

      Ang presensiya aniya ng Chinese ships sa lugar ay hindi kailangan dahil kung totoo na ito’y research vessel, ang magkabilang panig ay magkakaroon ng simpleng kasunduan para sa research vessels na lumayag sa Philippine waters at magsagawa ng pagsasaliksik.

 

 

      “However, there is a suspicion that they are not only research vessels so, again, this is a bit of an escalation of the tension that is present in the West Philippines Sea,”diing pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Knott nagtapos sa ikalawang puwesto sa torneo sa Texas

    Nagtapos sa ikalawang puwesto si Filipino-American sprinter Kristina Knott sa 100-meter event sa Cylde Littlefield Texas Relays sa Austin.     Mayroong record ito na 11.54 seconds habang si Kiara Parker na nakuha ang kampeonato ay mayroong 11.20 seconds at ang third runner up ay nagtala ng 12.52 seconds sa kumpetisyon na ginanap sa Mike […]

  • Lim, iba pang karatekas gagawin lahat para makapasok sa Tokyo Olympics

    Para kay national karateka Jamie Lim, ito na ang pinakahuling tsansa niyang makapaglaro sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan.   Kaya naman lahat ay kanyang gagawin para manalo sa lalahukang Olympic qualifying tournament sa Hunyo sa Paris.   “Everyone wants to be part of the Olympics, and this is really the last […]

  • Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang

    NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan.     Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19.     Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong […]