• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, mananatiling “top rice importer” sa buong mundo — USDA

MANANATILING “top rice importer” ngayong 2024 ang Pilipinas sa buong mundo.

 

 

Ito ang naging pagtataya ng United States Department of Agriculture (USDA).

 

 

Sa pinakabagong ulat ng USDA, inaasahang aangkat ang Pilipinas ng 3.8 milyong metriko toneladang bigas ngayong taon.

 

 

Ang China naman ang “second” top rice importer, sumunod ang Indonesia, European Union, Nigeria, at Iraq.

 

 

Sinasabi pa rin sa ulat na nakikitang tataas naman ang rice imports ngayong taon ng mga bansang gaya ng Afghanistan, Angola, Bangladesh, China, Democratic Republic of the Congo, Cuba, Ethiopia, Iran, South Korea, Liberia, Libya, Madagascar, Malaysia, Mexico, Nepal, Pilipinas, Saudi Arabia, Sierra Leone, United Arab Emirates, United Kingdom, United States, at Yemen.

 

 

Sa kabilang dako, ayon naman sa data ng Bureau of Plant Industry na may petsang Enero 11, nag-angkat ang Pilipinas ng 3.6 milyong metriko tonelada ng bigas, bahagyang mas mababa noong 2022 na may 3.8 metriko tonelada.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na plano ng pamahalaan na i-secure ang rice trade agreement nito sa Vietnam noong panahon na nag- state visit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Samantala, tinitingnan din ng Pangulo ang pag-angkat ng bigas mula sa Cambodia para mapanatili ang suplay ng bigas sa gitna ng nagbabadyang epekto ng El Niño.

 

 

Winika naman ng Malakanyang na target ng Cambodia na makakuha ng 1% share ng market ng imported rice sa Pilipinas ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • PBA ikinalungkot ang muling pagkakasangkot sa gulo ni Amores

    Hindi maitago ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kalungkutan sa pagkakasangkot sa barilan ni NorthPort guard John Amores sa Lumban, Laguna.     Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi na sila magbibigay ng anumang komento dahil ipapaubaya na lamang nila sa mga kapulisan.     Tikom din ang bibig ni Marcial […]

  • Grateful dahil sixteen years nang Kapuso… HEART, nag-panic at umiyak nang malamang mamumuno ng SSFI

    SIXTEEN years na palang Kapuso si Heart Evangelista.       Sobrang grateful nga siya sa muling pagoirma ng exclusive contract sa GMA Network.       Sa guesting ng Kapuso actress sa “Fast Talk With Boy Abunda” last July 29, inamin niya na, “I’ve been through so much with GMA. Sobrang dami kong pinagdaanan, […]

  • Ads December 21, 2024