• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas mas malala na sa India, Indonesia – OCTA

Naniniwala ang OCTA Research Group na walang kaso kung bubuksan na ang Pilipinas sa ibang bansa na dating nasa travel ban dahil sa mas malala na umano ang sitwasyon ngayon ng Pilipinas kumpara sa India, Indonesia at iba pa.

 

 

Reaksyon ito ni Dr. Guido David, ng OCTA sa desisyon ng pamahalaan na tanggalin na ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emi­rates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia. Nakatakdang ipatupad ito ng Bureau of Immigration ngayong Lunes.

 

 

“Actually, tayo na nga ang isa sa pinakamataas na kaso sa Asia. Ibig sabihin baka sila na matakot dito galing India or even Pakistan, mga 4,000 na lang ata sila per day,” ayon kay David.

 

 

Kung mayroong dapat matakot, sinabi ni David na ito ay ang mga mamamayan ng naturang bansa dahil sa mas malala na umano ang sitwasyon natin kaysa sa kanila.

 

 

Ngunit iginiit pa rin ni David na hindi dapat bababaan ng pamahalaan ang kanilang pagbabantay sa ating mga borders at pagpasok ng mga biyahero mula sa ibang bansa.

 

 

Kailangang tutukan ng husto ng nasyunal na pamahalaan ang ‘quarantine’ sa mga dumarating sa bansa upang hindi na malusutan ng mga indibidwal na may taglay na virus lalo na ng mas mapanganib na mga variants.

 

 

Matatandaan na uma­bot sa 200,000 ang ara­wang kaso ng COVID-19 sa India na sa kasalukuyan ay nasa 40,000 na lamang ngayon.

 

 

Ang Pakistan naman ay may 3,000 bagong kaso na lamang nitong Setyembre 3 at patuloy ang pagbaba ng mga aktibong kaso. (Gene Adsuara)

Other News
  • Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill

    IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso.   “When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is […]

  • UFC mma veteran Elias Theodorou pumanaw na, 34

    PUMANAW  na ang dating UFC mixed martial arts veteran Elias Theodorou dahil sa cancer sa edad 34.     Mayroong record itong 19 panalo at tatlong talo bilang professional mixed martial arts sa world’s premirer MMA organization.     Noong 2014 hanggang 2019 ng makapasok ito sa UFC ay mayroong record siya na walong panalo […]

  • PBBM, muling itinalaga si Cacdac bilang DMW ad interim Secretary

    MULING itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).     Ang reappointment ni Cacdac, makikita sa listahan ng presidential appointees na ipinalabas ng Malakanyang ay patunay na patuloy na ‘nagtitiwala at kumpiyansa’ ang Pangulo kay Cacdac.     Ipinagpaliban naman ng […]