Pinas matutulad sa US, Europe sa rami ng COVID-19 cases
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
Posibleng matulad umano sa Europa at Estados Unidos ang bilang ng COVID-19 sa bansa dahil sa desisyon ng pamahalan na muling pagbubukas ng mga sinehan at iba pang negosyo simula kahapon Pebrero 15.
Ayon kay Senate Majority leader Juan Miguel Zubiri, nakakatakot ang desisyon ng gobyerno na muling pagluluwag ng restriction sa bansa.
Paliwanag ni Zubiri, sana ay hindi muna 50% capacity dahil nakakatakot pa rin dahil sa banta pa rin ng coronavirus at iba pang variant nito.
Ang 50% capacity umano sa sinehan ay puno pa rin at kung may umubo doon, may humatsing ay napakadelikado na niyan at posibleng maging super spreader ang event na ’yan.
Idinagdag pa ng Senador na maging sa simbahan na mahilig mag “peace be with you” ang mga tao subalit hindi namamalayan ay “COVID be with you” na pala.
Kaya dahil dito kaya posible umanong magaya ang bansa sa Europa at Estados Unidos na pumalo ang bilang ng coronavirus dahil dito.
Para naman kay Sen. Grace Poe, dapat alamin muna ang mga ipapatupad na regulasyon sa mga establisimyentong magbubukas tulad ng may mga bagong filtration ng air conditioning para hindi recycled ang hangin na hinihinga ng mga tao doon.
Para kay Poe at Zubiri, bagama’t para sa pagbangon ng ekonomiya ang hakbang ng gobyerno subalit dapat una itong ipatupad sa mga lugar na kakaunti ang kaso ng sakit.
Dapat din umanong bilisan muna ang rollout ng bakuna bago aktuwal na mag-relax ng protocols. (Daris Jose)
-
Spence, ipapaubaya na kay Pacquiao kung kailan siya interesadong lumaban
Ipapaubaya na lamang ni WBC at IBF vhampion Errol Spence Jr kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao kung pipiliin ba siya nito na makaharap. Sinabi nito na hindi naman ito nagmamadali na makaharap ang fighting senator subalit kung piliin naman siya sa 2021 ay hindi na ito tatanggi. Bukod kasi kay Pacquiao ay […]
-
Poll protest ni BongBong Marcos, ibinasura ng PET
GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race. “’Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that […]
-
Runway banderang tapos!
PINASINGHOT ng alikabok ni Runway ang mga karibal sa banderang tapos niyang pamamayagpag sa kakahagibis na Philippine Racing Commission Lakambini Stakes Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Nirendahan ni class A rider MM Gonzales ang tumawid sa metang kabayo sa tiyempong isang minuto’t 40 segundo sa 1,600-metrong hagaran at nagkaloob sa may […]