• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, may “binding obligation” sa posibleng pagbili ng Sinovac vaccine sa China

MAYROONG “binding obligation” ang Pilipinas hinggil sa posibleng pagbili ng COVID-19 vaccine doses sa Sinovac ng China.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa sinabi ni Finance Undersecretary Mark Joven sa Senate inquiry noong nakaraang Biyernes na ang term sheet na tinintahan ng gobyerno ng Pilipinas at Sinovac ay hindi nagpapataw ng kahit na anumang obligasyon para sa bansa para makakuha ng CoronaVac doses.

“Hindi daw done deal ang Sinovac. Well, mali po iyan,” ayon kay Sec. Roque.

Gayunpaman, nilinaw ni Sec. Roque na ang Sinovac ay kailangang mag-secure ng mahalagang regulatory approval bago pa pangasiwan ang bakuna sa Pilipinas.

Ang Sinovac ay nag-apply ng emergency use authorization sa Food and Drug Administration (FDA) noong nakaraang linggo.

“Ito ba po ay hindi kontrata? Hindi po, kontrata na po iyan. Kaya nga lang po, iyong pangalawang obligasyon, at ito po iyong talagang pagbibili, ay naka-subject po sa kundisyon na pinag-agree-han ng mga partido,” ang pahayag ni Sec. Roque.

“Ano po itong isa sa mga kundisyon na ito? Siyempre po, iyong approval ng FDA. But that is already a binding obligation,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa Senate hearing noong Enero 15 na “technically” ang pamahalaan ay indi pa bumibili ng Sinovac vaccine, at ang Pilipinas ay hindi pa naglalabas kahit na isang sentimo para sa produktong Sinovac.

Tinatayang 50,000 doses ng CoronaVac ang darating sa Pilipinas sa susunod na buwan.

Ang bilang ay maaaring madagdagan hanggang sa mai-deliver at makumpleto ang 25 million doses sa Disyembre.

Noong nakaraang Biyernes, inilarawan ni Sec. Roque ang mga kritiko ng Sinovac vaccine deal bilang mga “ignorante” sa gitna ng kinukuwestiyong pagiging epektibo at presyo nito ng Sinovac vaccine.

Sinabi ni Sec. Roque na ang halaga ng Sinovac vaccine ay hindi tataas o sosobra sa P700 per dose.

Aniya pa, nag-alok din ang China ng presyong pang-bff o best friends forever.

Ang bakuna ay kailangan na ibigay ng dalawang doses sa isang tao.  (Daris Jose)

Other News
  • Walang fare matrix, walang taas singil sa pasahe – LTFRB

    IPINAALALA ng  Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator / drivers ng mga pampasaherong sasak­yan sa bansa lalo na sa Metro Manila na hindi maaaring maningil ng taas pasahe hangga’t walang nakapaskil na fare matrix.     Kaugnay ito sa pagsisimula ng taas pasahe nitong Lunes sa mga pampublikong sasakyan.     […]

  • Mga tren sa Metro Manila mananatili sa 70% passenger capacity – DOTr

    Mananatili sa 70 percent ang pinapahintulutang passenger capacity sa lahat ng mga tren sa Metro Manila kahit pa simula bukas, Enero 3, ay ilalagay na ulit ang National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3.     Ayon sa Department of Transportation (DOTr), patuloy pa rin naman ang pagpapatupad sa mga health protocols sa […]

  • DFA, gumawa na ng arrangements para sa pagpapauwi ng mga natitira pang Pinoy sa Kabul, Afghanistan

    GUMAWA na ng arrangements o pagsasaayos ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation o pagpapauwi sa mga natitira pang mga Filipino na nasa Kabul, Afghanistan.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tinatayang nasa 32 Filipino na ang nailikas kagabi, Agosto 15 at ngayon ay nasa Doha na at naghihintay ng kanilang flight […]