• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas nakapagtala ng 2 milyon international arrivals – DOT

NAKAPAGTALA ang Pilipinas ng kabuuang 2,002,304 dayuhang turista mula Enero 1 hanggang Mayo 12, 2023 na higit pa sa target na 1.7 milyon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).

 

 

“Notwithstanding our challenges and difficulties that our country has faced, a pandemic and the various calamities that come into our shores the good news is that this has done nothing to break the Filipino spirit or to diminish the beauty of the Philippines,” paha­yag ni Tourism Secretary Christina Frasco  nitong Linggo.

 

 

Una nang nagtakda ng goal ang DOT na maabot ang 4.8 milyon na international arrival para sa 2023 bilang bahagi ng National Tourism Deve­lopment Plan (NTDP) nito.

 

 

Nangunguna ang South Korea, na may 487,502 arrivals; sinundan ng US, 352,894; Australia, 102,494; Canada, 98,593; Japan, 97,329; China, 75,043; Taiwan, 62,654; United Kingdom, 62,291; Singapore, 53,359; Malaysia, 36,789.

 

 

Nagtala rin ang DOT ng P168.52 bilyon sa mga inbound visitor receipts noong Abril, higit sa pitong beses ang halagang nabuo sa parehong timeframe noong nakaraang taon.

Other News
  • Ads November 16, 2023

  • Mas lalamig pa ang panahon sa sunod na linggo – PAGASA

    TINATAYA ng PAGASA na mas lalamig pa ang panahon sa susunod na linggo.     Ayon kay Joey Figuracion, climatologist ng ­PAGASA, ang kasalukuyang epekto ng panahon sa ngayon ay hihigitan pa ng malamig na panahon sa sunod na linggo dahil sa amihan surge o bumabang temperatura.     “Itong current na nararanasan natin na […]

  • 4-day workweek, hirit ng NEDA

    INIREKOMENDA ni National Economic and Development Authority (NEDA) at Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua ang pagpapatupad ng pamahalaan ng four-day workweek upang makatipid ng enerhiya at mabawasan ang gastusin ng publiko, kasunod nang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.     Sa Talk to the People ni Pang. Rodrigo […]