• May 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakatakdang tumanggap ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac at Gamaleya ngayong Abril

SINABI ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakdang tumanggap ang Pilipinas ng 2 milyong doses ng bakunang Sinovac na gawa ng China at Gamaleya Research Institute ng Russia ngayong buwan.

 

Sa 2 milyong doses, 1.5 milyon ang ide-deliver ng Sinovac habang ang 500,000 naman ay manggagaling mula sa Gamaleya.

 

Hinggil naman sa karagdagang donasyon ng AstraZeneca vaccine doses sa ilalim ng COVAX Facility, sinabi ni Galvez na gumagamit sila ng diplomatic channels upang matiyak na matatanggap ng bansa ang nasabing bakuna.

 

Ani Galvez, ang AstraZeneca shots ay maaaring dumating sa bansa sa huling bahagi ng buwan ng Abril.

 

Ang impormasyong ito ay mula kay World Health Organization country representative Rabindra Abeyasinghe.

 

“Because of the global vaccine shortage, there will be a delay. The agreed quantity which was 920,000 vaccine doses will come but because of the shortage, what we have been informed is that we may need to expect the reduced quantity which may come over [in] the next few weeks,” ayon kay Abeyasinghe.

 

“But eventually as production peaks up, we will deliver on the 20% of vaccines to cover 20% of the population. So this is the agreement that COVAX has with the Philippine government and we are still committed to do that.” dagdag na pahayag nito.

 

Samantala, mahigit sa 800,000 Filipino na ang naturukan ng COVID-19 vaccine simula nang magsimula ang mass immunization program noong Marso 1, ayon sa government data. (Daris Jose)

Other News
  • PH at Qatar nagkasundo na palakasin ang ugnayan sa iba’t ibang larangan

    KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Qatar na paiigtingin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa ibat ibang larangan gaya ng pag explore pa sa mga strategic measures na magpapalakas sa trade and investment, pagpapalawak sa ibat ibang kooperasyon, paglaban sa climate change, human trafficking at iba pa.     Ikinagalak naman ng Pangulong Marcos na […]

  • Dahil ginamit sa video ang kuha sa kasal nila: Ex-husband ni MOIRA na si JASON, tinawag na ‘clout chaser’ at ‘user’

    “CLOUT Chaser” at “User” ang ilan sa mga salitang mababasa sa mga comments patungkol kay Jason Marvin.     Ang ex-husband ni Moira dela Torre, though, technically, mag-asawa pa rin sila dahil hindi pa naman sila annulled.     In bad taste ang kinalabasan ng music video ni Jason sa bago niyang single na “Ikaw […]

  • Pinas bagsak sa global standard sa Science, Math

      NAPAG-IWANAN ang Pilipinas sa ‘global standards’ sa Science at Math dahil ‘flat zero’ ang DepEd sa pagbili at distribusyon ng Science at Math equipment ­packages sa mga estudyante at zero rin sa distribusyon ng TechVoc equipment packages.     Ayon sa 2023 audit report ng Commission on Audit (COA), nabigo ang DepEd na makamtan […]