• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, nakikitang magiging 27th largest economy sa buong mundo sa 2037

NAKIKITANG tataas ang paglago ng ekonomiya ng bansa at makokopo ang 27th spot bilang biggest economy sa buong mundo sa 2037.

Sa World Economic League Table (WELT) 2023 ng Centre for Economics and Business Research (CEBR), ang pagtataya sa ulat, ang Pilipinas ay tatalon ng 11 notches sa rankings, magmumula sa electronics manufacturing sector.

“The Philippines is projected to continue its growth run in the coming years… lifting the country from 38th spot in the ranking as of 2022 to 27th by 2037,” ayon sa CEBR.

Inaasahan kasi ng CEBR na ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay makapagtatala ng isang average growth na 5.3% sa susunod na limang taon.

Sa pagitan ng  2028 at 2037, winika pa ng CEBR na “Philippines could keep a “relatively high” GDP growth “at a further 5% per annum.”

Tinuran ng CEBR na ang Pilipinas at iba pang bansa gaya ng  Bangladesh at  Vietnam, ay maaaring mapalakas ang kanilang katayuan sa pamamagitan ng  “securing a niche in the global value chain and improving labor productivity.”

Matapos lumiit ng  9.5% noong  2020, kapansin-pansin naman ang pagbangon ng local economy mula sa pananalasa ng  COVID pandemic simula pa noong nakaraang taon.

Nangako naman ang administrasyong  Marcos na hindi na ito magpapatupad ng  hard lockdowns upang mas lalong mapalakas ang  economic activities.

“The economy has been buoyed by a tight labor market, with the share of the labor force not in work estimated to have fallen by 2.0 percentage points to 5.7% in 2022. The high number of people in employment is a key strength for the economy, ensuring that consumer spending can be supported in the short to medium term,” ayon sa CEBR.

Other News
  • DOH nakaalerto sa bird flu na naililipat sa tao

    Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) kasama ang Bureau of Qua­rantine (BOQ) at Department of Agriculture (DA) sa bagong uri ng H5N8 avian flu na naiulat na naipapasa sa tao.     Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit o […]

  • Biyuda ni Kobe Bryant ‘wagi sa kaso vs LA police

    GINAWARAN  ang naiwang asawa o biyuda ni Kobe Bryant na si Vanessa Marie Bryant ng $16 million bilang bahagi ng $31 million na hatol ng husgado laban sa Los Angeles County at mga bumbero na  nagpakalat ng mga larawan sa yumaong NBA star at sa 13-years old nilang anak pati na din sa ibang  nasawi  […]

  • PBBM, binawi na ang state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao

    BINAWI na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang  Proclamation No. 55, na nagdedeklara ng  state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao.     Ito’y matapos na maging maayos at naging mabuti ang peace and order situation doon.     Nakasaad sa  Proklamasyon Bilang 298  na tinintahan ni Executive Secretary Lucas […]