Pinas no. 3 sa SEA sa ‘vaccination rollout’
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na kasalukuyang nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas sa Southeast Asia (SEA) sa ‘vaccination rollout’.
Sa datos ng NTF, nakapagtala na ang Pilipinas ng 2,623,093 doses na naibigay sa publiko mula nang mag-umpisa ang ‘vaccination’ nitong Marso 1 gamit ang mga bakunang Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.
May ‘7-day average’ ang Pilipinas na 69,760 doses na naituturok sa ngayon habang nsa 35,933 doses ang daily average mula nang um-pisahan ng pamahalaan ang vaccination.
Nangunguna sa SEA ang Indonesia na nag-umpisa ng vaccination noong Enero 13 at mayroon nang kabuuang 22.6 milyong doses na naiturok habang pangalawa ang Singapore na may 3.13 milyong doses nang naibigay mula nang mag-umpisa ang kanilang vaccination noong Disyembre 30, 2020.
Sa buong mundo, nakaupo ang Pilipinas sa rank 41 sa 195 bansa habang pang-15 rin ito sa 47 bansa sa Asya.
Ang ‘focus area’ ngayon ng NTF sa vaccination ay ang National Capital Region kasama ang mga katabing lalawigan ng Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal na may alokasyon na 3.3 milyong doses kkada buwan.
Kasama rin sa ‘focus area’ ang Metro Cebu at Metro Davao na may alokasyon na 400,000 doses ng bakuna kada buwan. (Daris Jose)
-
Unemployment bumaba noong Marso – PSA
BAHAGYANG bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa. Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022. Ayon […]
-
Suplay ng bigas, sapat kahit ‘di mag-import – DA
TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling sapat ang suplay ng bigas sa bansa kahit hindi mag-angkat at may banta ng posibleng shortage dulot ng inaasahang epekto ng El Niño phenomenon. Ayon sa DA, ang ending stock ng palay para sa unang quarter ng taong 2023 ay 5.66 million metric tons na […]
-
Ads December 29, 2023