• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, planong gamitin ang mining revenues para sa Maharlika Investment Fund

PLANO ng Pilipinas na tapikin ang  mining industry para tumulong na suportahan ang nililikhang sovereign wealth fund.

 

 

Habang sinimulan  na ng 18-member government delegation ang World Economic Forum annual meetings hinggil sa global pitch para sa Maharlika Investment Fund (MIF), Ipinaliwanag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang konsepto ng  sovereign wealth fund ay  “ordinary” lamang sa ibang bansa dahil huhugutin dito ang pondo para  sa long-term investments.

 

 

“For instance,  oil-rich countries use excess money from their oil sales for such fund. Those kinds of assets are exhaustible so you need to set aside something for future generations,”ayon kay Diokno.

 

 

Samantala, nakapag-ambag naman na ang Philippine mining industry ng  ₱102.3 billion sa domestic economy noong 2020 sa kabila ng mga hamon  na bitbit ng  COVID-19 pandemic, ang tantiya ng  Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). (Daris Jose)

Other News
  • Ads January 20, 2022

  • U-turn slot sa Balintawak muling binuksan

    Muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang U-turn slot sa EDSA malapit sa Balintawak na ikinatuwa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.     “We would like to thank MMDA Chairman Benhur Abalos for reopening the U-turn slot near the Dario Bridge. This will help ease traffic congestion in the area and speed […]

  • Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

    INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.   Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard […]