• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas ready na sa hosting ng FIVB men’s world meet

HANDANG-handa na ang Pilipinas para sa pamamahala sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championships na hahataw sa Setyembre 12 hanggang 28 sa SM Mall of Asia Arena at sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang sinabi kahapon ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara sa ikalawang Inter-Agency Meeting na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) sa GSIS Conference Hall sa Pasay City.

Kasama rin si Department of Tourism Secretary Christina Frasco sa nasabing briefing sa mga kinatawan ng higit sa 20 government at private agencies na bumubuo sa Task Force para sa hos­ting mula sa inilabas na Administrative Order No. 30 ng Malacañang.

“It’s all systems go and the preparations are going on smoothly,” wika ni Suzara sa kahandaan ng bansa sa pagdaraos ng nasabing world meet.

Solidong suporta ang pangako ng gobyerno sa nasabing event, ayon kay Bachmann na namumuno sa Inter-Agency Task Force.

“The full support of the government is guaranteed for this historic and world-class event,” sabi ng PSC chief.

Nasa pulong din ang mga kinatawan ng Phi­lippine Amusement and Gaming Corp., Departments of Trade and Industry, Health, Foreign Affairs, Public Works and Highways, Interior and Local Government at Information and Communications Technology.

Sinamahan sila ng Metropolitan Manila Development Authority, Commission on Higher Education, Senate of the Philippines, PHLPost, Commission on Immigration, Customs, Philippine National Police, National Intelligence Coordinating Committee, Climate Change Commission at ng MVP Group pati na ang mga opisyales ng Pasay, Manila, Taguig at Quezon City.

Other News
  • PBBM, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang MMFF 2024

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sambayanang Filipino na tangkilikin ang mga ‘kwentong Pinoy’ bilang pagsuporta sa Metro Manila Film Festival 2024.       “Isama ang buong pamilya, buong barkada, at panoorin ang sampung pelikula na handog ng MMFF,” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.     Ang panahon aniya ng Kapaskuhan ay […]

  • Bago manalo ng Best Actor sa 94th Academy Awards… WILL SMITH, sinapak si CHRIS ROCK dahil kay JADA at nag-apologize din sa acceptance speech

    HISTORY making night na sinamahan ng kontrobersya ang naganap na 94th Academy Awards or the Oscars sa Dolby Theater in Hollywood.     Sa unang pagkakataon ay tatlong babae ang naging hosts ng Oscars na sina Wanda Sykes, Regina Hall at Amy Schumer.   “This year the Academy hired three women to host – because […]

  • Naka-create ng memories na puwedeng balik-balikan: MARIAN, labis ang pasasalamat kay DINGDONG na naging cheerleader at waterboy

    BAGO tuluyang umalis ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Eilat, Israel, na pinagganapan ng 70th Miss Universe pageant, nag-post muna siya sa Instagram ng pasasalamat sa kanyang asawa.     Capption ni Marian, “Before this trip ends I’d like to thank the best husband I could ask for – from […]