Pinas, suportado ang UN Security Council ukol sa planong tigil-putukan sa Gaza
- Published on June 24, 2024
- by @peoplesbalita
PINURI ng Pilipinas ang resolusyon ng United Nations Security Council na sumusuporta sa three-phase ceasefire plan sa Gaza strip.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na muling pinagtibay ng UN Resolution S/RES/2735 ang commitment ng UN sa kapayapaan at katatagan at ang bansa ay committed na magbigay ng kinakailangang pagsisikap para tumulong na makamit ang isang “peaceful resolution” sa Gaza.
“The prompt implementation of the measures is imperative to alleviate the suffering of innocent civilians caught in the crossfire… The country stands ready to contribute to initiatives that foster stability, security, and peace in the region,” ang nakasaad sa kalatas.
Ang UN S/RES/2735, in-adopt noong Hunyo 10, hinikayat ang ganap na pagpapatupad ng isang three-phase ceasefire deal para wakasan ang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel sa Gaza.
Kabilang sa kasunduan ay ang ligtas na pagpapalaya sa mga hostages at bilanggo, withdrawal ng forces, pagbabalik ng mga namatay na nananatiling nasa Gaza Strip, epektibong distribusyon ng humanitarian assistance, at multi-year reconstruction plan” para sa Gaza.
Ang resolusyon ay in-adopt matapos ang 14 boto na pabor sa loob ng UN Security Council, habang nag-abstain naman ang Russian Federation. (Daris Jose)
-
RUSSELL CROWE PLAYS “THE POPE’S EXORCIST” IN HIS FIRST HORROR MOVIE LEAD
PRIOR to The Pope’s Exorcist, Russell Crowe had never led a horror film. [Watch the trailer: https://youtu.be/Csfy9Qkvam8] “It was just something I hadn’t done – a genre I’ve never really touched at all. Scary movies put me off my sleep,” says the Academy Award®-winning actor with a laugh. “I’m […]
-
Ikalawang fuel subsidy sa PUV drivers, nakakasa na
ILALABAS na sa susunod na buwan ng pamahalaan ang panibagong round ng subsidy para sa public transport drivers at delivery riders, gayundin sa diskwento para sa sektor ng agrikultura. Ayon kay acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda, isa pang P2.5 bilyon ang inilaan para sa subsidiya ng public utility vehicle (PUV) drivers […]
-
Slaughter nagpatali na
NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga. Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na […]