Pinas, target na maiturok ang 1M jabs kada araw simula Nobyembre 20
- Published on November 6, 2021
- by @peoplesbalita
TARGET ng national government na maiturok ang isang milyon hanggang 1.5 milyon ng COVID-19 vaccine doses sa isang araw simula Nobyembre 20.
Ayon kay Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules na target ng gobyerno na maiturok ang 15 milyong doses ng COVID-19 vaccines bago matapos ang Nobyembre.
Para makamit ang target, sinabi ni Galvez na kailangan ang karagdagang vaccination sites, utilizing malls, universities, schools, gyms, camps at function halls ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Ang mga hospital healthcare workers ay kailangan na mabigyan ng booster shots bago matapos ang buwan.
May ilang rehiyon, kabilang na Regions IV-A at III, ang dapat na 50% vaccination rate bago matapos ang buwang kasalukuyan. (Daris Jose)
-
World No. 3 pole vaulter EJ Obiena, nanindigang hindi mag-eendorso ng mga alcohol o gambling-related product
BINIGYANG-diin ni world No. 3 pole vaulter EJ Obiena na hinding-hindi siya mage-endorso ng mga alcohol o gambling-related product. Ito ay kasunod na rin ng umano’y paggamit ng ilang mga kumpanya sa kanyang pangalan at imahe para lang palabasin na ineendorso niya ang kanilang mga produkto. Ang naturang modus aniya ay ginagawa ng […]
-
First time na makakasama sa movie si Barbie… EUGENE, balik-teatro na sa musical na ‘Into The Woods’ kasama si LEA
BAGONG BFFs na ngayon sina Barbie Forteza at Eugene Domingo. Pareho nilang paborito ang sport na tennis at nag-enjoy sila sa laro nila. “Ang saya saya!!! Thank you for giving me time this morning!!” comment ni Uge sa pinost ni Barbie sa Instagram. First time na magkasama ang dalawa sa Netflix film na ‘Kontrabida Academy’ […]
-
Malakanyang, ayaw pang magbigay ng target na bilang ng mga babakunahan
WALA pang maibigay ang Malakanyang na bilang na aabutin ng pamahalaan para sa ikalawang sigwada ng Bayanihan, Bakunahan. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ikinukunsidera rin nila kasi ang pagtatakda ng target ng mga nasa LGU. “Ayaw kong pangunahan ‘no iyong vaccine and the reason why hindi pa kami […]