Pinas, US, hindi pinag-usapan ang mga bagong EDCA sites- Romualdez
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
ITINIGIL ng Pilipinas at Estados Unidos ang pag-uusap hinggil sa pag-identify ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa kung paano gagamitin ang 9 na umiiral na sites sa bansa.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na nagsimulang pagtuunan ng pansin ng Maynila at Washington ang paghahanda para sa eventualities o mga pangyayari kung saan ito ang dahilan kung bakit kapit-bisig ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang military alliance.
“A lot of these sites have been chosen because of disaster preparedness, which is very important…that’s one point,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.
“They [The US] are putting a lot of their assets in those identified sites for us to be prepared, or when we can use these sites for deployment of all of these things for any disaster that might happen,” dagdag na pahayag nito.
Taliwas sa sinabi ng China, ang Pilipinas at ang Estados Unidos ay “are not putting these sites directed against any country.”
“These are for us for our defense strategy,” ayon pa rin kay Romualdez.
Buwan ng Abril, pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng access ang US troops sa apat na karagdagang Philippine sites.
Ang apat na bagong sites ay ang Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; Balabac Island sa Palawan; at Lal-lo Airport sa Cagayan.
Makakasama ang mga ito sa limang umiiral na EDCA na “accessible” para sa joint operations sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at American troops. Ang mga ito ay Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Basa Air Base sa Pampanga; Antonio Bautista Air Base sa Palawan; Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu; at Lumbia Air Base sa Cagayan De Oro.
Ayon sa Pentagon, ang bagong mga lokasyon ay makapagpapalakas sa “interoperability” ng US at Philippine Armed Forces at payagan ang mga ito na “to respond more seamlessly together to address a range of shared challenges in the Indo-Pacific region, including natural and humanitarian disasters.” (Daris Jose)
-
Cardona magbabalik MPBL
NAKATAKDANG sa hardcourt ang ex-professional na si Mark Reynan Mikesell ‘Macmac’ Cardona sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2021 sa Hunyo. Ipinaskil ng 39-anyos, 6-0 ang taas na beteranong basketbolista sa kanyang Instagram account ang muling paglalaro sa regional pro league. Kaya lang ay hindi na pero hindi na sa […]
-
PAGDAMI ng TNVS COLORUM NAKAKABAHALA
Nilimitahan ng LTFRB ang mga pinayagang makabyahe na mga TNVS. Ibig sabihin nito ay extended ang pagkatengga at kawalan ng hanapbuhay ng daan-daang drivers. May mga pinayagan din bumyahe pero meron ngang hindi. Kung ano ang basehan sa pagpili, tanging LTFRB lang ang nakakaalam at ang makasasagot sa tanong na yan. Kaya naman dumiskarte […]
-
Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin
KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension […]