Pinas, Vietnam coast guards magtatatag ng hotline para sa maritime cooperation
- Published on February 2, 2024
- by @peoplesbalita
KAPWA tinintahan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Vietnam Coast Guard (VCG) ang isang kasunduan ukol sa pagtatatag ng “hotline” para palakasin ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang maritime security groups.
Nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU) sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vietnam kasama sina PCG Chief, Admiral Ronnie Gil Gavan, at Iba pang opisyal ng pamahalaan.
Kapwa naman sinaksihan nina Pangulong Marcos at Vietnamese President Vo Van Thuong ang paglagda sa kasunduan nina Gavan at VCG commander Maj. Gen. Le Quang Dao.
Layon ng MOU na palakasin ang “understanding, mutual trust, and confidence” sa pagitan ng PCG at VCG sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwang usapin at interest at pagtatatag ng hotline.
Sinabi pa ni Gavan na ang MOU ang magpapalakas sa strategic partnership at pagtutulungan sa pagitan ng PCG at VCG tungo sa “promoting, preserving, and protecting mutual interest in the Southeast Asian region.”
Nauna rito, balik-Pinas na si Pangulong Marcos, araw ng Miyerkules, Enero 31, mula sa kanyang state visit sa Vietnam, na nagsimula, araw ng Lunes.
Sa panahon ng state visit, pinuri ni Thuong ang mga achievements ni Pangulong Marcos sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas, foreign policies, seguridad, at tanggulan.
Sa kabilang dako, tumaas naman ang ekonomiya ng bansa ng 5.6% sa fourth quarter ng 2023.
Kabilang sa mga “major emerging economies” sa Asia na nakapagpalabas na ng kanilang economic growth performance para sa fourth quarter ng 2023, nakapagtala ang Pilipinas ng “second fastest”, pagkatapos ng Vietnam (6.7 percent) subalit naungusan ang China (5.2 percent) at Malaysia (3.4 percent). (Daris Jose)
-
39 MAG-ASAWA IKINASAL SA KASALANG BAYAN SA NAVOTAS CITYHOOD ANNIVERSARY
SA isang heartwarming celebration ng pagmamahal, 39 mag-asawa ang nagpalitan ng mga pangako sa ginanap na Kasalang Bayan noong June 24, bilang bahagi ng ika-17th Navotas Cityhood Anniversary festivities. Kabilang sa mga mag-asawang matagal nang magkasintahan ay sina Cirilo Arsenio, Jr. at Anabel Alcantara, na nagbahagi ng kanilang buhay sa loob […]
-
Sa mga nagkalat ng fake news sa social media: Sen. BONG, nakatakdang magsampa ng cybel libel complaints
ISA kami sa maraming nagtaka kung bakit hindi napasama si Senator Ramon Bong Revilla sa 12 senador na nagwagi sa katatapos na local elections. Pang labing apat lamang si Sen. Bong na more than 2 million votes ang kalamangan ni Sen. Imee Marcos na nasungkit ang pang labing tatlong puwesto. Sa raming ginawang batas ni […]
-
2 WALANG FACE MASK KULONG SA P126K SHABU SA CALOOCAN
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan police chief Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon alyas “Empoy”, 46, at Emar Villanueva, 44, pintor, kapwa […]