Pinay na dating Law Enforcer, pina-deport
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
ISANG 34-anyos na Filipina na biktima ng human traficking at illegal recruitment ang pina-deport mula Malaysia. Si alyas Tina ay dumating sa Zamboanga International Seaport noong March 28, 2025 matapos pauwiin ng mga awtoridad sa Malaysia. Ayon sa Bureau of Immigration’s (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), “ si Tina,” na dating government law enforcement personnel, ay umalis sa Pilipinas noong February mula Palawan patungong to Kudat, Malaysia, saka nagtungo sa Kota Kinabalu via speedboat. Pagdating sa Sabah, siya ay pinagtrabaho bilang entetainer sa isang club ng sampung araw matapos itong i-rescue ng mga awtoridad sa Malaysia at dinala sa shelter sa Kota Kinabalo hanggang sa ipina-deport. “We remind all Filipinos never to agree to illegal employment or unverified overseas work offers,” ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado “The backdoor is not a shortcut—it is a direct route to exploitation. The government is serious in protecting our nationals and stopping trafficking rings, in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to safeguard our citizens from abuse abroad.” (Gene Adsuara)
null
-
Valenzuela binuksan na ang “Balai Banyuhay” o drug treatment at rehabilitation facility
PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang kanilang kauna-unahang drug treatment at rehabilitation facility na tinawag na “Balai Banyuhay” sa Barangay Punturin, Huwebes ng umaga. Pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang ceremonial launching ng center para sa buong operasyon nito para sa mga residente at […]
-
Labis ang pasasalamat pati na rin si Dingdong… MARIAN, pinuri ni JOHN ang kahusayan sa pagganap sa ‘Balota’
NAKATATABA marahil ng puso kapag ang isang mahusay na artista ay pinuri ang husay mo sa pagganap. Katulad na lamang ng Best Actor na si John Arcilla, inihayag niya via his Instagram account ang paghanga niya sa kahusayan ni Marian Rivera sa Cinemalaya film na ‘Balota’. Lahad […]
-
Jullebee Ranara, inilibing na
INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5. Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa […]