• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay nag-silver sa archery

SUMBLAY si Shirlyn Ligue ng World Archery Philippines (WAP) sa 543 points old world record ni Claire Xie ng USA sa women’s 60-arrow, 18-meter category, pero sinapol ang silver medal sa bare bow category ng Online Indoor Archery Series sa nagdaang linggo.

 

 

Kinapos lang ng isang puntos ang 30-anyos na grade school teacher ng Davao City at bet ng Davao Archery Club para sa nasabing marka na burado na ni Fatemeh Ghasempour ng Iran na naka-551 markers para sa women’s bare bow gold

 

 

“I just have to challenge myself,” bulalas kamakalawa ni Ligue. “And in archery I get the mental training. It’s my stress reliever.”

 

 

Ipinasok na ang naturang event ng World Archery Philippines (WAP) sa programa sa taong ito dahil sa ipinakita ni Ligue sa world archeryfest. Lalaruin na rin ang disiplina sa PH Archery Cup. (REC)

Other News
  • Mga hagdan sa Manila North Cemetery, pinagkukumpiska

    Pinagkukumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga hagdan na ginagamit na pasukan sa ‘backdoor’ ng Manila North Cemetery (MNC) makaraang ipag-utos ang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa Metro Manila ngayong Undas.     Unang nakipag-ugnayan si MNC Administrator Yayay Castaneda sa Sta. Cruz Police Station 3 makaraan ang ulat na […]

  • Mahigit 46-K katao dumalo sa kapiyestahan ng Black Nazarene

    AABOT sa 46,000 ang dumalo sa misa ng kapiyestahan ng Black Nazarene sa Quirino GrandStand dakong alas-12 ng hating gabi, Jan 9.     Ang nasabing bilang ay base sa pagtaya ng Manila Police District (MPD) kung saan mahigpit pa rin nilang ipinapatupad ang pagbibigay ng seguridad sa lugar.     Pinangunahan ni Manila Archbishop […]

  • OPS, nakiisa sa tree planting sa Ipo Watershed sa Bulacan

    NAKIISA at nagpartisipa ang mga tauhan ng Office of the Press Secretary (OPS) sa  taunang tree-planting program na inorganisa ng  water concessionaire na Maynilad Water Services Inc. (Maynilad).     Sa  Facebook post, ibinahagi ng OPS ang ilang larawan na kuha sa tree-planting activity noong Oktubre  28 sa Ipo Watershed sa Norzagaray, Bulacan.     […]