Pinay powerlifter sa Tokyo Paralympics nagpositibo sa COVID, coach ‘di na rin makakasama
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
Labis labis ang pagkadismaya ng isa sa mga atleta ng Pilipinas na sasabak sa 2020 Tokyo Paralympics matapos na hindi matuloy dahil sa nahawa sa COVID-19.
Una rito kinumpirma ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Michael Barredo na dinapuan ng virus si Filipina powerlifter Achele Guion.
Dahil dito maging ang kanyang coach na si Antonio “Tony” Taguibao ay hindi na rin makakasama sa delegasyon kung saan ngayong araw ang opening ceremony sa Tokyo, Japan.
Sinasabing sobra raw ang “frustrations” ni Guion bunsod ng kabiguan nitong maging kinatawan ng Pilipinas makaraan ang matagal din na paghahanda sa Paralympics.
Tutungo sana ito sa Tokyo dala ang inspirasyon sa naging panalo rin ng gold medal ni Hidilyn Diaz sa weigthlifting.
“Jinky is deeply frustrated that she will not be able to compete in her powerlifting event for her country after training for so long, and especially getting much inspiration from Hidilyn Diaz,” ani Barredo sa statement. “Despite this most unfortunate development, all our para athletes remain in high spirits and committed to give their best possible performances to bring honor and glory for our country.”
Sa ngayon limang mga Pinoy athletes na lamang ang sasabak sa paralympics na kinabibilangan ni wheelchair racer Jerrold Mangliwan na lalaban sa tatlong events na men’s 400m, 100m, and 1500m.
Ang swimmer na si Ernie Gawilan ay dadalhin naman ang bandila ng Pilipinas sa men’s 200m individual medley (IM), 400m freestyle, at 100m backstroke.
Ang isa pang swimmer na si Gary Bejino ay nasa apat namang events ang sasalihan na kinabibilangan ng men’s 200m IM, 50m butterfly, 400m freestyle, at 100m backstroke.
Ang isa pang atleta na si Jeanette Aceveda ay sasabak sa women’s discus throw event habang ang taekwondo jin na si Allain Ganapin ay tatangkain namang makasungkit ng medalya sa men’s K44-75kg division.
-
15% senior discount sa kuryente, tubig
LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang maitaas sa 15 porsiyento ang diskwento ng mga senior citizen na may bayarin sa tubig at kuryente. Sinabi ni Senior Citizen party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang mga residente na ang konsumo sa kuryente ay hindi hihigit sa 100 kilowatt hour kada buwan […]
-
Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy
HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea. Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration. ” We […]
-
Welcome back Errol Spence — Pacquiao
Matagumpay ang pagbabalik-aksyon ni World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. Naitarak nito ang unanimous decision win laban kay Danny Garcia upang mapanatili ang kanyang dalawang hawak na korona kahapon sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas. At walang iba kundi si eight-division world champion Manny Pacquiao […]