• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinay tennis star Alex Eala hindi makapaniwalang makaabot ng quarterfinals ng Miami Open

ITINUTURING ni Pinay tennis ace Alex Eala na isang katuparan ng kaniyang pangarap ang makaabot sa quarterfinals ng Miami Open.
Sinabi nito na hindi niya lubos akalain na umabot sa nasabing round at makaharap din ang ranked world number 2 na si Iga Swiatek ng Poland.
Nakapasok ang WTA number 140 na si Eala matapos ang pag-atras ni Paula Badosa ng Spain dahil sa injury.
Dahil dito ay garantisado na ang premyo nito na katumbas ng mahigit na P10 milyon.
Gaganapin naman ang paghaharap ni Eala at Swiatek dakong alas-7 ng umaga ngayong Marso 26.
Other News
  • Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan

    NAGBABALA ang  National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang  Youth Privacy Advocates Annual Summit.     “Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and […]

  • Oktoberfest sa Valenzuela City

    BILANG bahagi ng pagdiriwang ng 400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, opisyal na binuksan sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony at ceremonial toast sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at mga representative mula sa San Miguel Brewery Inc ang unang Oktoberfest na ginanap sa C.J. Santos St., Brgy. Malinta, Valenzuela City kung […]

  • Ilang eksperto sa medisina, nagdadalawang isip sa pagbabalik operasyon ng mga sinehan

    IMINUNGKAHI ng ilang medical expert na palakasin na lamang ang outdoor cinema sa halip na agad na ibalik ang indoor cinema o traditional cinema para makaiwas sa peligro at posibilidad na makapitan ng covid 19 virus.   Nangangamba kasi ang mga ito sa inaasahang pagbabalik ng operasyon ng mga sinehan sa gitna ng pandemya.   […]