Pingris delikadingding na
- Published on February 23, 2021
- by @peoplesbalita
NAMEMELIGRO na si veteran free agent Jean Marc Pingris para sa Magnolia Hotshots sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 sa Abril 9.
Wala pa kasing kasiguruhan kung maglalaro pa o magre-retiro na ang magku-40 anyossa Oktubre 16, 6-4 power forward na tubong Pozzorubio, Pangasinan.
Nitong nagdaang ilang mga taon, tipid na ang laro ng Pinoy Sakuragi dahil sa injuries.
Wakas nitong taong 2020 ang kontrata ng defense specialist sa Pambansang Manok, pero hindi siya nakasama sa Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre dahil nagre-rehab pa rin.
Hindi pa tiyak kung papipirmahin pa siya ng bagong deal ng manok.
Sang-ayon kay Ercito ‘Chito’ Victolero, “I don’t want na magsalita para kay Pingris. He’s been through a lot,” wika ng Magnolia coach. “Ang sabi ko sa kanya, kung ano ‘yung nararamdaman niya, kung ano tingin mo na makabubuti sa’yo, we will respect it.”
Susuporta pa rin, hirit niya ang koponan kung anuman ang balak ni Pingris, na inaasahang pagpapasyhan sa Marso ang kanyang karera.
“Right now nagre-recover pa siya,” huling bahagi na sambit ng coach. “Siguro by March, baka makabalita na tayo.
Sa pananaw ng Opensa Depensa, puwede ka na magretiro Pingris. May edad ka na rin naman kaya marami nang nararamdaman, at milyonaryo na rin naman.
Kayo po mga giliw naming mambabasa, ano sa palagay ninyo?
-
Ads February 4, 2020
-
From Risk to Resilience: Understanding and Taking Control of Dyslipidemia
In celebration of the Heart Month of February, healthcare company Organon Philippines is spearheading the “Heart 2 Heart Talk on Optimal Cholesterol Control,” focused on raising public awareness about effectively managing Dyslipidemia and how Filipinos can protect their heart from the long-term impacts of high cholesterol levels. Renowned lipid experts Dr. Pipin […]
-
Megawide may mungkahi sa DOTr na magtatayo ng terminal exchange sa Norte
BINIGYAN ng suporta ng Department of Transportation (DOTr) ang mungkahi ng Megawide Construction Corp. na magtayo ng isang terminal exchange facility sa parting norte ng Metro Manila. Ayon sa isang panayam kay DOTr undersecretary Mark Steven Pastor na wala pa naman silang natatangap na pormal na detalyeng mungkahi mula sa Megawide na […]