• January 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pink Sunday,’ idinaos sa Quezon City Circle

NAGING kulay rosas ang Quezon City Memorial Circle noong Feb 13, Sunday kasunod nang pagdaraos ng “People’s Proclamation Rally” ni Vice President Leni Robredo para sa kanyang presidential bid, na tinaguriang ‘Pink Sunday.’

 

 

Nagtungo rin naman si Robredo sa QC City Hall kung saan personal siyang winelcome ni QC Mayor Joy Belmonte.

 

 

Laking pasalamat naman ni Robredo sa mainit na pagtanggap sa kanya ng alkalde, gayundin sa kanilang mga libu-libong mga tagasuporta na du­malo sa proclamation rally na aniya, ay tatlong ulit na mas marami kumpara sa kanilang initial projection na 5,000 attendees lamang.

 

 

Aniya, una nilang ­inisip na hindi nila maaabot ang inaasahang 5,000 katao na dadalo sa proclamation rally.

 

 

“Yung umaga pa lang 5,000 people daw ang expected, sinabihan ko yung team namin wag maglalagay ng 5,000 dahil baka di naman natin makaya yung 5,000. Okay na yung sabihin natin na imbitado yung supporters, pero wag na magsabi ng numero. Mukhang wala sa aking nakinig,” aniya pa.

 

 

“Noong pauwi na kami ng gabi, lalo akong ni­nerbyos kasi ang nakalagay na, 20,000 na ang expected. Pero mabuti naman pala na hindi sila sumunod. Dahil ngayong araw po, lampas-lampas tayo sa 20,000 people,” dagdag pa ng presidential aspirant.

 

 

Nabatid na alas-8:00 pa lamang ng umaga ay marami ng tao sa circle.

 

 

Sa crowd estimate naman ng Quezon City Police District (QCPD) dakong alas-11:00 ng umaga ay aabot na sa 7,000 ang tao sa circle.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa proclamation rally ay ang running mate ni Robredo na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, gayundin ang mga senatorial candidates na kabilang sa kanilang tiket. (Daris Jose)

Other News
  • Chua kampeon sa Hanoi open

    AYAW paawat ng mga Pinoy cue masters sa international stage matapos muling bigyan ni Johann Chua ng karangalan ang Pilipinas.     Pinagharian ni Chua ang 2024 Hanoi Open kung saan pinataob nito si Ko Pin-yi ng Chinese-Taipei sa finals sa pamamagitan ng 13-7 desisyon sa Hanoi Indoor Games Gymnasium sa Vietnam.   Napasakamay ni […]

  • Ads September 2, 2021

  • HERBERT, good influence kay RUFFA kaya botong-boto si ANNABELLE

    MATAGAL nang pinag-uusapan kung sino ang ‘beautiful girlfriend’ ni Senatorial candidate Herbert Bautista, at maraming nagsasabi na si Ruffa Gutierrez daw iyon.     Pero ayaw umamin ni Herbert at mas mabuti raw kung si Annabelle Rama, mom ni Ruffa, ang tanungin, kaya naman ang nakulit ay si Jun Lalin, close friend ng mga Gutierrez. […]