• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy athletes hahataw naman sa Tokyo Paralympics

Matapos ang Tokyo Olympics, tututok naman ang Pilipinas sa kampanya ng differently-abled athletes sa prestihiyosong Tokyo Paralympics na tatakbo mula Agosto 24 hanggang Setyembre 5.

 

 

Ipadadala ng Pilipinas ang anim na atleta na sasabak sa apat na events.

 

 

Mangunguna sa ratsada ng Team Philippines si Asian Para Games multiple gold medalist Ernie Gawilan na masisilayan sa 400m freestyle S6 event ng swimming competition.

 

 

Nakasikwat si Gawilan ng tiket sa Tokyo Paralympics matapos itong mag­kwalipika sa 2021 World Para Swimming World Series na ginanap sa Berlin noong Hunyo 18.

 

 

Pasok din si 2017 Asean Para Games gold medalist Gary Bejino na nabigyan ng bipartite place sa swimming event.

 

 

Hahataw naman sa athletics sina Jerrold Mang­liwan at Jeanette Aceveda samantalang masisilayan sina Achelle Guion sa po­werlifting at Allain Ganapin sa taekwondo.

 

 

Hangad ng Pinoy squad na masundan ang magandang kampanya ng Pilipinas sa Tokyo Olympics kung saan nag-uwi ang delegasyon ng isang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya.

Other News
  • 3 binitbit sa P68K shabu, baril sa Valenzuela

    KALABOSO ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng baril at P68K halaga ng shabu nang maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni PLt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang mga naarestong suspek bilang sina Jonathan Awud alyas “Tutan”, 34, Ronie […]

  • VP Sara, nagbukas ng 6 OVP satellite offices

    NAGBUKAS ang Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ni Vice President Sara Duterte – Carpio ng anim na satellite offices sa buong bansa.     Sa isang Facebook post nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Duterte-Carpio na ang OVP sa­tellite offices ay matatagpuan sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa […]

  • PDu30, susunod sa Senate protocols sa pagpapalabas ng SALN kapag nahalal na senador

    SUSUNOD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa protocols ng Senado sa pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga miyembro nito kapag nahalal na senador sa 2022 national at local elections.   “I am not familiar with the protocols in the Senate. But whatever it is, I am sure the President […]