Pinoy athletes na kalahok sa 2021 SEA Games, hindi pa kasali sa priority list ng COVID-19 vaccination – Galvez
- Published on February 5, 2021
- by @peoplesbalita
Tatalakayin pa umano ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung maaaring isama sa priority list ng mga mabibigyan ng bakuna laban COVID-19 ang mga atleta at coach na kalahok sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games (SEAG).
Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr., kung mayroong sobrang bakuna ay walang problema na maisasali ang mga kasama sa Southeast Asian Games.
Ayon kay Sec. Galvez, ang mga bakunang darating sa bansa ngayong buwan ng Pebrero na mula sa COVAX Facility ay nakalaan para lamang sa mga medical healthworkers at vulnerable sectors.
Igiit pa ni Sec. Galvez na may sapat na panahon pa naman ang mga atleta bago sumabak sa Southeast Asian Games sa Nobyembre kaya baka nabakunahan na sila bago pa man ang palaro.
-
Sa pag kuha ng student driver’s license – huwag negosyo ang ipairal!
KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng April, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay dadaan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency. Sa plano din ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang […]
-
Sobrang nakaka-excite ang muli nilang pagsasama: VILMA at CARLO, parang mag-ate lang ayon sa mga netizens
NAGING usap-usapan ang social media post nina Carlo Aquino at Vilma Santos-Recto, na lumabas na mag-ina sa iconic movie na “Bata, Bata…Paano ka Ginawa?” na isinulat ni Lualhati Bautista sa direksyon ni Chito Roño. Sa naturang pelikula binitawan ni Ojie (Carlo), anak ni Lea Bustamante (Vilma), ang iconic lines na, “Akala mo lang […]
-
Utos ni PBBM sa DILG, tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan, 2025
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Interior and Local Government (DILG) na tiyakin ang mapayapa at maayos na halalan sa susunod na taon. “The most immediate here is the elections,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa sectoral meeting, araw ng Martes sa Palasyo ng Malakanyang. Sa naturang pulong, […]