• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy billiard player Carlo Biado, kampeyon sa 2021 US Open Pool Championships

Matapos inalat sa mga unang magkakasunod na racks, hindi pa rin sumuko ang Pinoy billiard player na si Carlo Biado para magkampeyon sa 2021 US Open Pool Championships.

 

 

Tinalo ni Biado ang Singaporean professional pool player na si Aloysius Yapp sa score na 13-8.

 

 

Nakuha pa ni Biado ang 3-1 early lead pero nabawi ito ni Yapp at naiposte ang 8-3 lead.

 

 

Nakabawi naman si Biado sa pitong straight racks at maitala ang 10-8.

 

 

Matapos nito ay tuloy-tuloy na ang pamamayagpag ni Biado at naibaon pa si Yapp sa nine straight racks at naitala ang 12-8 lead.

 

 

Hindi na bumitaw pa ang 37-anyos na pool player na tubong La Union sa ika-13 rack at tuluyan nang nasungkit ang titulo.

 

 

Napabilib nang husto ni Biado ang mga audience matapos ipanalo ang 10 straight racks.

 

 

Kung maalala huling nanalo ang isang Pinoy sa US Open Pool Championship noong 2005 sa pamamagitan ni Filipino-Canadian Alex Pagulayan.

 

 

Pero bago ito, taong 1994 nang makuha ng billiard legend na si Efren “Bata” Reyes kampeyonato sa torneyo.

Other News
  • Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling […]

  • Face to face classes, maaaring ilimita sa ilang oras lamang-Sec. Roque

    MAAARING ilimita lamang sa ilang oras ang face-to-face classes sakali at aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pilot testing ng “in-person classes” sa mga lugar na may low risk ng COVID-19 transmission.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatakdang magpulong sina Pangulong Duterte at ang gabinete nito ngayong Lunes, Pebrero 22 kung […]

  • PCSO Strengthens Anti-Corruption Fight

    The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) calls and remind the public to be a part of the fight against irregularities, anomalies and corruption in the government. One of the preventive measures that the Agency has called out is to prompt the public to go through the right processes and to transact only in the identified […]