Pinoy boxer Eumir Marcial umaasa pa rin ng suporta sa ABAP sa pagtungo nito sa US
- Published on October 16, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa tiyak ni Philippine national boxer Eumir Felix Marcial kung suportado ito ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) sa pagsisimula na ng kaniyang ensayo para sa mga professional fights.
Nasa US na kasi si Marcial kung para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons.
Nais rin kasi ni Marcial na makasama sa training si coach Don Abnett ang ABAP coaching consultant at boxing head coach Ronald Chavez.
Bilang respeto rin aniya ay nararapat na kasama ang mga ABAP boxing coach dahil nalalapit na rin aniya ang Tokyo Olympics.
Kabilang kasi ang middle- weight boxer sa Olympic qualifiers kasama ang boksingerong si Irish Magno, pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo.
Magugunitang noong Hulyo ay nagdesisyon itong maging professional subalit nangako ito na hindi niya tatalikuran ang pagsabak sa Olympics.
-
Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF
MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan. Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa ng iba’t ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus. Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang […]
-
Lolo at lola ng asawa, tiyak na tuwang-tuwa: KRIS, magiging nanay na at ‘di nila plinano ni PERRY
MAGIGING nanay na si Kris Bernal. Ito ang announcement niya sa kanyang Instagram account at Youtube account. Hindi raw nila plinanong mag-asawa kaya sobrang tuwa niya nang makita niya ang double lines nang mag-pregnancy test siya. Tiyak naman na ikinatuwa ito ng kanyang mister na si Perry Choi at […]
-
Papal nuncio: Pope Francis, posibleng magtalaga na ng bagong Manila archbishop
Naniniwala si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na posibleng magtalaga na si Pope Francis ng posibleng kapalit ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa Archdiocese of Manila. Ayon kay Archbishop Brown, posibleng hindi na raw ito tumagal pa at maaaring maglabas na ng pasya ang Santo Papa. Nang mag-umpisa […]