Pinoy boxer Melvin Jerusalem napanatili ang belt
- Published on April 2, 2025
- by @peoplesbalita
NAPANATILI ni Melvin Jerusalem ang kanyang WBC minimumweight title.
Ito ay matapos na talunin ang Japanese boxer na si Yudai Shigeoka sa pamamagitan ng unanimous decision sa laban na ginanap sa Tokoname, Japan.
Pumabor lahat ng mga judges sa Pinoy boxer sa nakuha nitong score na 119-109, 118-110, 116-112 .
Ito na ang pangalawang beses na magkaharap ang dalawang boksingero kung saan parehas na tinalo ng 31-anyos na si Jerusalem ang kalaban.
Mayroon na siyang 24 panalo at tatlong talo na mayroong 12 knockouts.
Maaring ang susunod na laban ni Jerusalem ay ang rematch kay Oscar Collazo ng Puerto Rico kung saan sa ikapitong round ay nabigo ang Pinoy boxer ng umakyat ito ng timbang sa 105 pound class.
Ilan sa mga tinalo ni Jerusalem ay sina Mexican challenger Luis Castillo noong nakaraang Setyembre sa Mandaluyong.
-
Fernando, Cardenas, inilunsad ang Bulacan Republicans para sa NBL season 4
LUNGSOD NG MALOLOS– Inilunsad nina Gob. Daniel R. Fernando at Romy Cardenas bilang mga team owner ang Bulacan Damayan Republicans, kinatawan ng lalawigan ng Bulacan sa National Basketball League Season 4 at binuksan ang try out sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito, Lunes ng umaga, para sa mga nagnanais na mapabilang sa team. Sinabi ni Fernando […]
-
MGCQ pagkatapos na lang ng holiday season
Ayaw ng mga mayors sa Metro Manila na luwagan ang community quarantine ngayong Christmas season upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19. Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. nag-iingat ang mga mayors at kung magluluwag man sa community ay pagkatapos na ng holidays. “At […]
-
Administrasyong Duterte, hindi magdi-discriminate sa pamamahagi ng bakuna laban sa Covid-19 batay sa political leaning
TINIYAK ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi idi-discriminate ng administrasyon ang COVID-19 vaccine distribution base sa political leaning o nakahilig sa politika. Pinawi ni Sec. Roque ang pangamba ng publiko na iprayoridad ng administrasyong Duterte ang kanyang mga kaalyado pagdating sa vaccine distribution. Wala aniyang katuturan na mag- discriminate base sa political […]