• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy boxers biyaheng Thailand na

Tutulak na patungong Thailand ang national boxing team upang doon ipagpatuloy ang paghahanda nito para sa iba’t ibang international tournaments.

 

 

Nangunguna sa listahan si Tokyo Olympics qualifier Irish Magno gayundin sina world champion Nesthy Petecio at Carlo Paalam na parehong naghahangad na makahirit ng tiket sa Olympics.

 

 

Diretso sa Bangkok ang Pinoy boxers kung saan sasailalim ito sa quarantine period bago muling tumulak patungong Ko Samui Island na magsisilbing training venue ng tropa.

 

 

Magsasanay ang Pinoy pugs sa Thailand hanggang sa Abril 10.

 

 

Kabilang sa pinaghahandaan ng national team ang Asian Boxing Confederation sa Mayo 21 hanggang 30 sa New Delhi, India.

 

 

Bahagi ito ng preparas­yon para sa Tokyo Olympics.

 

 

Maliban sa Tokyo Olympics, naghahanda rin ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) para sa Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Nagpasalamat si ABAP president Ricky Vargas sa pamunuan ng Thailand Boxing sa pagtanggap sa Pinoy boxers na sumailalim sa training camp.

Other News