• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinoy jins hahataw sa Vietnam

NAKATAKDANG  umalis ngayong araw ang Smart/MVP Sports Foundation taekwondo squad upang magpartisipa sa 2022 ATF (Asean Taekwondo Fe­deration) Taekwondo Championships na hahataw mula Marso 30 hanggang Abril 4 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

 

 

Binubuo ang koponan ng 10 atleta sa kyorugi (free sparring) at lima sa poomsae.

 

 

Magsisilbing delegation head si Raul Samson kasama ang tatlo pang coaches na hahawak sa koponan.

 

 

Ipaparada ng Pilipinas sa naturang torneo sina Loralee Natividad, Abigail Faye Valdez, Rea­lis Tabiando, Clarence Sarza, Rhezie Aragon, Ceanne Kyle Rosquillo, Marvin Mori, Kier Macalino, King Nash Alcairo, Rommel Pablo Jr., Justin Mark Agno, Paul Romero, June Ninobla, Devy John Singson, Joseph Chua at Alfritz Arevalo.

 

 

Sina Paul Romero at Devy Singson ang tata­yong coaches sa kyorugi habang si June Ninobla naman ang hahawak sa poomsae team.

 

 

Malakas ang tsansa ng Pinoy squad na makasungkit ng medalya sa torneo lalo pa’t gigil ang tropa na muling sumabak matapos mabigong makapagpartisipa sa torneo dahil sa pandemya.

 

 

Sa Pilipinas ginanap ang huling edisyon ng ATF Taekwondo Championships noong 2019.

Other News
  • Omicron isa ng dominant variant sa bansa – DOH

    ITINURING na ng Department of Health (DOH) na isa ng dominant variant sa bansa ang Omicron coronavirus.     Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ito ay base sa isinagawa nilang genome sequencing.     Base kasi sa genome sequencing na isinagawa noong Enero 3, na 29 sa kabuuang 48 samples ay nakitaan […]

  • Infra program ng administrasyong Marcos: Nabawasan, naging P8.2 trillion na lang

    PUMALO na lamang sa P8.2 trillion mula sa P9 trillion ang kabuuang investment cost ng infrastructure flagship projects (IFPs) ng administrasyong Marcos matapos na linisin at walisin  ng economic team ang inulit lamang na proyekto.     Kabilang dito ang sinimulan sa ilalim sa nakalipas na administrasyon.     “The total investment value, we used […]

  • DOTr: Pagsuot ng face mask mandatory pa rin sa rail lines

    PINAYUHAN ang publiko ng Department of Transportation (DOTr) na mandatory pa rin ang paggamit at pag-suot ng face mask sa lahat ng Istasyon at facilities ng rail lines sa Metro Manila.       Ito ang paalala ng DOTr sa mga pasahero ng Light Rail Lines 1&2 at Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at […]